^

PSN Opinyon

EDITORYAL - RA 9745: Latigo sa mga berdugong torturer

-

MAY mga alagad ng batas na mahilig “mag-short cut” para mapadali ang paglutas nila kuno sa kaso. Kabilang sa “short cut” ay ang pag-torture sa suspek para aminin ang krimeng ginawa. May mga nilagdaang testimonya na sila talaga ang gumawa ng krimen. At ang mga salaysay na iyon ang pinagbasehan ng hukom para hatulan ang umamin. Lutas ang kaso. Tapos na ang imbestigas­yon. Walang kahirap-hirap. Pero makaraang madala sa bilangguan, saka naman ipagtatapat ng naha­tulan na sila ay tinorture para lamang aminin ang kasalanan na hindi naman nila talaga ginawa. Isina­ilalim sila sa matinding pagpapahirap na kahit ang pagpatay kay Rizal o Ninoy ay kanilang aaminin.

Pambihira ang ganito pero totoo. Maraming walang kasalanan na napilitang aminin ang kasa­lanang hindi naman ginawa dahil sa pag-torture. Hin­di na nila makayanan ang ginagawa ng mga pulis na nagpapahirap kaya inamin na lamang ang kasala­nan kahit hindi niya ginawa. Kadalasang ang pagtor­ture na ginagawa ay sa pamamagitan ng pagkur­yente sa ari, paglulubog ng ulo sa isang dram na puno ng tubig o inidoro, pagsasaklob ng plastic bag sa ulo, pagtutok ng baril sa ulo habang kinakalabit     ang gatilyo at marami pang uri ng torture. Yung iba kusang hindi binibigyan ng pagkain ang suspek at kung babae ang pinaghihinalaan, gagahasain ito. Ganyan kalupit ang mga taong pilit na pinaaamin ang mga taong isinasangkot sa krimen. Para ma­ging mapadali ang paglutas sa kaso, kung anu-anong pahirap ang gagawin at para na rin mabigyan ng kasi­yahan ang mga kaanak ng biktima. Para ba ma­sa­bing sila ay kumikilos para malutas ang kaso.

Pero sa pagkakalagda ni President Arroyo ng Republic Act 9745 o ang Anti-Torture Act of 2009 noong nakaraang linggo, matatapos na ang kasamaang ginagawa ng mga torturer. Ang RA 9745 ang lalatigo sa mga nagpapahirap para lamang aminin ang kasalanan. Ayon sa batas, habambuhay na pagkabi­lang­go ang hatol sa isang napatunayang nag-torture. Sa pagkakalagda ng batas, inaasahang mata­takot na ang mga “berdugo” na gumawa ng “short cut” para lamang mapadali ang kanilang pag-iim­bestiga. Kung tutuusin, dapat ay kamatayan ang hatol sa mga “torturer” sapagkat walang kasing­sama ang kanilang ginagawa sa kapwa. Kulang ang habambuhay na parusa para sa kanila.

ANTI-TORTURE ACT

AYON

GANYAN

ISINA

PARA

PERO

PRESIDENT ARROYO

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with