KUNG meron ‘mang likas sa bata, yun ay ang pagsabi ng totoo. Mula sa bibig ng mga sanggol madidinig ang katotohanan.
Nagpunta sa aming tanggapan ang mag-asawang Vilmaria “Lik-Lik” Osinsao at Jessie parehong nasa edad na 33 taon, mula sa bayan ng Gasan, Marinduque.
Dalawang taon ng Barangay Health Worker (BHW) si Lik-lik sa Purok III Brgy. Laptayin, Gasan. Isa namang pahinante sa Deo Trucking si Jessie.
Likas na matulungin si Lik Lik, madalas siyang pumupunta sa barangay upang makatulong sa mga kapus-palad niyang kapurok.
Naging ugali na niyang isama sa kanyang misyon ang 6 na taong gulang na anak na si “Kristine” (di tunay na pangalan).
Nais ni Lik Lik na maging magandang halimbawa kay Kristine kaya tuwing wala itong klase ay sinasama niya sa Barangay ang kanyang anak.
Enero 9 2009 ganap na alas kwatro ng hapon, kauuwi pa lang nila Lik Lik at Kristine galing barangay nang pinayagan niya si Kristine maglaro sa labas kasama ang nakababatang pinsan.
Natanaw niya na masayang naglalaro ang anak sa tapat ng bahay ng kanilang kagawad na si Danilo Natividad na kilala rin sa tawag na “Tambol”, 50 taong gulang.
Mag-aala sais na ng hapon ng makauwi si Kristine sa kanilang bahay. Sabay na kumakain ng hapunan ang mag-ina ng makaramdam ng hilab ng tiyan si Kristine.
Mabilis na nagpatanggal ng salawal at ‘shorts’ ang bata at dumiretso sa banyo. Matapus nitong dumumi ay tinawag niya si Lik Lik at sinabing “Mama, suotan mo na ko ng panty,”.
Ilalagay pa lang ni Lik Lik ang ‘panty’ nito ng mapansin niya ang pulang mantsa ng pundya ng salawal ni Kristine.
Tinitigan niyang maigi ang salawal at nakita niya ang marka ng dugo. Tinanong niya si Kristine kung saan galing ang dugo.
“Mama. Napadumi kasi ako sa salawal… ang puwet ko nagdugo,” kwento ni Kristine.
Nagduda si Lik Lik sa sagot ng anak kaya nama’y tinanong niya ulit ito, “Neneng… anak, bakit ang panty mo may dugo?”
Inakala ni Kristine na papaluin siya ng kanyang ina pag nagsabi ng totoo kaya’t di niya sinasagot si Lik Lik.
“Huwag ka matakot anak andito si mama. Magsabi ka ng totoo. Ano ang nangyari Kristine. Saan galing ang dugo?,” muling tanong ni Lik Lik sa anak.
Dahan-dahan lumuha ang mga mata ni Kristine hanggang sa humagugol si Kristine ng iyak sa awa sa nangyari sa kanyang anak na musmos.
“Si Tito Tambol po! Mama… Si Tito Tambol,” sumbong ni Kristine.
Nabigla si Lik Lik sa narinig at napayakap na lamang siya sa anak. Takot man masaktan at marinig ang isasagot ni Kristine ay buong tapang pa rin’ tinanong ni Lik Lik kung anong ginawa ni Tambol.
Kwento ni Kristine inutusan siyang bumili ng sigarilyo ni Tambol. Kasabay ng pag-abot ni Kristine ng sigarilyo ay ang paghablot ni Tambol ng mahigpit sa kamay ng bata. Hinablot niya si Kristine na tila ba’y kriminal na kanyang hinuhuli at dinala niya si Kristine sa kanyang kwarto.
Hindi makapaniwala si Lik Lik. ‘Di niya naisip kailanman na isang kagawad na si Tambol ang gagawa ng karahasan sa kanyang anak.
Mabilis na kinuwento ni Lik Lik sa kanyang asawa ang sinapit ng anak. Nanlumo si Jessie sa mga narinig. Tumayo siya sa pagkaka-upo, mabilis na lumabas ng bahay at pinuntahan si Tambol.
“Tambol, mag-usap tayo lumabas ka. Ano itong sinusumbong ni Kristine na dinukdok mo ang ari niya?” nagngingitngit na sabi ni Jessie.
“Patay malisya” itong si Tambol. Tinanggi niya ang kababuyan kay Kristine. Nagkunwari siyang walang alam.
Napikon si Jessie kay Tambol kaya’t umuwi siya at isinama si Kristine upang iharap sa kagawad.
Pinaamin ni Jessie si Kristine sa harap ni Tambol, “Sino ang may gawa sa’yo nito Kristine?” tanong ni Jessie.
“Si tito Tambol po! Dinukdok niya ang ari ko. Nilawayan niya pa nga ang kanyang daliri bago pinasok sa p@p@ k,” pagtatapat ni Kristine.
Matigas talaga ang mukha nitong si Tambol, siya pa ang nagalit kila Jessie at pinagtaasan umano sila ng boses, “Aba! Ba’t kayo nagbibintang ng di totoo!”
Nagpunta si Lik Lik sa Gasan Center upang ipa-medical examine si Kristine. Lumabas sa findings na; 1.0.5 cm laceration, forchette. Nagpapatunay ito na may pinasok sa ari ng bata sanhi ng pagkapunit.
Nagsumbong si Jessie sa Gasan Police Station ukol sa panggagahasa ni
Tambol, subalit ‘di umano sila pinansin ng mga pulis at nakiusap pa silang i-pablotter ang nangyari.
Sa kagustuhang makamit ang hustisya para sa anak ay lumapit rin sila umano kay Freddie Sol, kapitan ng barangay. Sinabing umano nito na bukas nalang pag-usapan ang kaso.
Nakipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Gasan bago sila kuhaan ng statement ng mga pulis at malabasan ng Warrant of Arrest si Tambol.
Bandang alas nuwebe ng gabi ng mahuli si Tambol ng mga pulis. Napag-alaman nila Lik Lik na di lang si Kristine umano ang na-biktima ng kagawad. Nauna na umano nitong gawan ng kademonyohan ang 8 taong gulang na si “Mina” (di tunay na pangalan) na siyang pinsan ni Kristine.
Nagsampa sila ng kasong rape sa Provincial Prosecutor’s Office, Boac Marinduque, subalit lumabas ang resolusyon at na-down grade ang kaso sa Article 336, Acts of Lasciviousness.
Nakapagpiyansa si Tambol sa halagang PhP36,000 matapos makulong ng walong buwan.
Tinampok namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” sa DWIZ 882Khz ‘tuwing 3:00 ng hapon ang istorya ni Kristine.
Nakipag-ugnayan kami kay Sr. State Prosecutor Lea Armamento ng Department of Justice Action Center (DOJAC), para maasistahan silang magfile ng Petition for Review.
Para sa aming pagtatapos, nais namin bigyan pansin at magtaka kung bakit naibaba ang kasong ito sa “Acts of Lasciviousness” gayung malinaw na ‘‘statutory rape’ ang dapat na kaso dito dahil si Kristine ay isang menor de edad. (KINALAP NILA MONIQUE CRISTOBAL)
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Email address: tocal13@yahoo.com