^

PSN Opinyon

Phobia sa baha

PILANTIK - Dadong Matinik -

Kagabi’y nakita ang buwan sa langit

sa siwang ng ulap ay biglang namasid;

Ito ay maganda at kaakit-akit

bilog na bilog s’ya’t kay ganda ng hugis!

Dahil sa liwanag ng buwang namasdan –

ay nakita ko rin Inang Kalikasan;

Banayad ang hangin, dahon ng halaman

umuugoy sila’y marahang-marahan!

Kaya naisip kong hindi na babagyo –

hindi na uulan na parang delubyo;

Pero nang umaga na nagising ako –

ang patak ng ulan malakas na ito!

Ako ay nagbangong malakas ang kaba

na baka maulit ang higanteng baha;

Pagka’t natutulog hindi ko nakita

naglaho ang buwa’t umulan na pala!

Dalwang araw pa lang matapos ang Undas

umulan na naman na lubhang malakas

Ganito rin noong nagbaha kaagad

kaya ang pangamba sa puso’y namugad!

Sa totoo lamang di kami binaha

subalit ang phobia sa mga nasira –

Ang disaster pala kahit na humupa

Ang takot sa puso’y hindi nawawala!

Kaya pala gayo’y may bagyo na naman

at ang bagyong ito’y may bagong pangalan;

Ito’y papalapit sa malayong bayan –

doon sa Aparri – sa Metro’y maulan!

Buntot lamang ito ng bagyong parating

kung kaya maulan sa ating baybayin;

Ngayo’y nagdarasal ang diwa’t damdamin:

sana’y di maulit na tayo’y bahain!

At nang tumanghali – sumikat ang araw

ang galak sa puso ngayo’y nangibabaw

Mabait ang Diyos di N’ya papayagan

na bumahang muli’t maraming mamatay!

APARRI

BANAYAD

BUNTOT

DAHIL

DALWANG

INANG KALIKASAN

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with