^

PSN Opinyon

Bawal ang paghalungkat ng ebidensiya

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NOONG Hulyo 10, 1996, apat na pulis ang ipinadala ng Cri-minal Investigation Division ng Central Police District sa pangunguna ni SPO2 Tino para hulihin si Val sa kasong kidnapping.

Nagpunta ang grupo ni Tino sa isang boarding house sa Culiat, Quezon City kung saan nakatira ang mga anak ni Val. Pumasok sa boarding house ang mga armadong pulis     at natagpuang natutulog si Val. Agad siyang hinuli, itinali at iniwan sa pangangalaga ni Tino. Samantala, naghalungkat sa kuwarto ang mga kasamahan ni Tino at sa isang nakasu-sing kabinet ay nakakuha ng baril na may serial number na 52315 at limang bala.

Dinala si Val sa police station at inimbestigahan tungkol   sa baril. Napag-alaman sa Firearms and Explosives Division ng Camp Crame na isang tao na nakatira sa Sam­paloc, Manila ang nagmamay-ari nito. Kinasuhan si Val ng illegal na posesyon ng baril at mga bala.

Matapos ang paglilitis, hinatulan si Val ng korte dahil sa nakuhang baril at mga bala. Nagpatibay sa kaso bilang ebidensiya ang sertipikasyon na hindi ito nakapangalan sa kanya. Sinang-ayunan ng Court of Appeals ang desis­yon ng mababang hukuman. Tama ba ang dalawa?

MALI. Sa umpisa ay nasa katwiran ang mga pulis sa ginawa nilang pagpasok sa boarding house at paghuli kay Val gamit ang warrant of arrest. Ngunit ang sumunod nilang ginawa na paghahalungkat ng ebidensiya ay hindi na tama. Hindi basta aksidenteng nadiskubre ang baril kundi talagang sinadyang hanapin ito upang magamit laban kay Val.

Sa ating batas, pinapayagan ang paghahalungkat kahit walang search warrant basta konektado ito o kasunod ito ng isang legal na pag-aresto. Ang pagsam­sam o pagkumpiska ng armas ay dapat sa katawan lang ng taong hinuhuli o kaya ay nasa malapit lang, na ma­daling abutin upang gamitin laban sa pulis na humuhuli o kaya ay upang wasakin at hindi na ma­ga­mit na ebidensiya sa kanya. Pinapayagan lamang ito upang protektahan ang pulis at hindi masaktan dahil wala siyang kamalay-malay sa anumang armas na nakatago sa katawan ng hinuhuli o nakatago sa kalapit na mesa o anumang taguan na madali maaabot.

Sa kasong ito, hindi pumalag si Val nang dakpin ng mga pulis. Madaling nakuha sa kama ang natutulog na lalaki, naitali at nailabas ng kuwarto. Hindi na maituturing na malapit lang sa kanya ang nakasusing kabinet kung saan nakatago ang baril at mga bala. Wala na siyang para­an para kunin pa ito o sirain upang hindi magamit na ebidensiya sa kanya. Ang ginawang paghahalungkat ng mga pulis ay lumampas na sa hinihingi ng batas. Maitu­turing na labag na ito sa karapatang pantao ni Val. Dahil nga sa paglabag na ginawa ng mga pulis, hindi na maga­gamit na ebidensiya kay Val ang nakuhang baril at mga bala. Kung wala ang mga ito bilang ebidensiya, wala na ring basehan upang isakdal si Val. Nararapat lamang na mapawalang-sala siya (Valeroso vs. Court of Appeals and People, G.R. 164815, September 3, 2009.)          

BARIL

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

SHY

TINO

VAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with