^

PSN Opinyon

Bagong imbensyong angkop sa climate change

- Al G. Pedroche -

MAY isang bagong technology na hindi man direktang lulutas sa climate change ay makapipigil sa masamang epekto nito sa supply ng pagkain lalu na sa isda.

Dumaranas na tayo ng mga mas masusungit na bago na nagiging dahilan ng pagkabawas sa supply ng pagkain. Matapos ang bagyong Ondoy at Pepeng, sukdulang tumaas ang presyo ng mga pagkain lalu na ng gulay, isda at mga karne. Iyan ang laging resulta ng shortage ng supply.

Sa ibang mga lugar na pinagkukunan ng food supply, bagamat maraming stock ng karne at isda, nabulok naman ang mga ito kapag walang kuryente dahil sa pananalanta ng malalakas na bagyo. As I was saying, may isang bagong teknolohiya. Imbensyong Pinoy na makalulutas sa mga problemang ganito kaakibat ng mga kalamidad. Ang inventor ay si Hernie Decena. Sa isang interview sa programa ni Angelo Palmones sa dzMM na “Bago Yan Ah!” ipi­naliwanag ni Decena ang kanyang imbensyon.

Tinawag niya ang teknolohiya na brine immersion freezing. Ang mga isda o karne ay maaaring maimbak nang hanggang dalawa o tatlong araw sa mga Styrofoam boxes na hindi ginagamitan ng yelo. Kapag inilagay pa ang mga produkto sa loob ng freezer o chiller para sa BIF freezing, tatagal pa ang mga ito nang hanggang anim na buwan. Napapanatili ang freshness ng mga isda sa teknolohiyang ito. Kaya goodbye na sa nabibilasang isda!

Mabilis din ang freezing na inaabot lang ng 3 hang-gang 30 minuto sa BIF. Sa ordinaryong paraan, inaabot ng 3-4 oras bago mag-yelo. Advantage din ng teknolohi-yang ito ay ang kadalian nitong ilipat ng pwesto at isaksak sa kuryente, at di gaya ng mga lumang teknolohiya na kailangan ng malaking pwesto na permanenteng pagsa­salpakan nito. Very compact ang BIF compartment na parang chest-type refrigerator lang at kaya ring gu-ma­wa ng 3,000 kilo ng yelo araw-araw. Aba, may iba pa palang dalang business opportunity. Apruba­do na rin ito ng Bureau of Fisheries and Aquatic resources at pasado sa mga pagsubok na isinagawa ng University of the Philippines. Pinoy na Pinoy pa!

ANGELO PALMONES

APRUBA

AS I

BAGO YAN AH

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC

HERNIE DECENA

IMBENSYONG PINOY

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with