^

PSN Opinyon

Kung nakakatakot mas nagugustuhan

SAPOL - Jarius Bondoc -

HINDI lang ngayon araw ng pagbisita sa mga yumaon nang minamahal. Araw din ito ng takutan. Sa mga se­menteryo tuwing Undas, nagpapalitan ang mga magka-pamilya ng nakakatakot na kuwento. Kadalasa’y tungkol sa multo, mumu, kaluluwa. Tapos, mababaling sa mga halimaw: Aswang, tikbalang, kapre, mananang­gal, tiyanak. Kumpleto pa sa sound effects: asong uma­atu­ngal, mga yabag ng paa at garalgal ng kinakaladkad na kadena, tik-tik-tik na papalapit, ungol na nagmama­ka-awa. Parang Gabi ng Lagim sa DZRH.

Malaking industriya na ang pananakot. Hindi na lang mga kuwento sa sementeryo ang uso. Marami ring horror novels at komiks, movies at maskara, Halloween costumes, computer games, rollercoaster at iba pang pang­gulat na park rides. Mas nakakatakot, mas mahal ang bayad, mas nagugustuhan ng madla.

Pinag-aaralan nang husto ng psychiatrists ang takot ng tao sa kung ano-ano. Maraming takot sa butiki, daga o ahas; sa malalim na tubig, paglipad sa eroplano o mata­as na gusali; sa numero 13, pagsapit ng dilim o pagtunog ng hatinggabi. Kataka-takang may takot din madumihan, sa mataong lugar o sa opposite sex.

Minsan inusisa ko ang mga pamangking bata kung ano ang pinaka-kinatatakutan nilang sitwasyon. Iba-iba ang sagot: Banggaan ng sasakyan, masagasaan, shipwreck, plane crash, malunod, malason, masaksak, ma­kan­­daduhan sa loob ng kuwarto, maatake sa puso o stroke, kamatayan. May sumagot din ng: Makalbo, ma-pimples at ma-busted ng nililigawan.

Kung ako ang tatanungin, ang pinaka-nakakakilabot na kalagayan ay loneliness. Hindi lang ito basta pakiram­dam na nag-iisa ka, kundi tila iniwan ka, kaya wala ka nang mapapala. Halim­ba­ wa, tinalikuran ka o na­ma­tayan ng kasin­tahan o asa­wang pina­kaiibig. O ka­ya’y nag-iisa ka sa ma­la­yong lugar at walang con­tact sa mga mina­mahal. O kaya’y matanda ka na’t ipi­na­ubaya sa care home kung saan wa­lang pumapansin sa iyo.

ARAW

ASWANG

BANGGAAN

HALIM

KADALASA

KATAKA

KUMPLETO

LAGIM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with