Todos los santos

NGAYON ang Araw ng mga banal, isang gantimpala ng Diyos sa mga kapwa-tao natin na habang nabubu-hay sa mundong ibabaw ay nagpamalas na ng kabutihan at kabanalan. Kaya naman ang kanilang kaluluwa ay ginantimpalaan ng Diyos Ama sa kalangitan. Sila ang    mga santo at santa sa langit kilala man o hindi ng san-ka-kristianuhan. Kaya’t sa aking panalangin ay lagi din akong humihingi ng tulong sa aking ama at ina sa kabilang buhay sapagka’t alam ko ang kanilang pag-      titiis at kabanalan habang sila’y nabubuhay pa dito sa mundong ibabaw: Tatay Petron at nanay Sayong ipa­nalangin ninyo ako sa Panginoon dyan sa inyong ta­ha­nan sa kalangitan.

Maging sa aklat ng Pahayag ay ipinamalas sa atin ni Apostol Juan: “Nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman. Sila’y mula sa bawa’t bansa, lahi, bayan at wika.” Dito natin lubusang ipapa­hayag ang ating tunay na pananampalataya sa Diyos. “Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo.” Tayo’y magpakalinis sa ating puso at isipan tulad ni Kristo. siya’y malinis.

Bukas ika 2 ng Nobyembre ay atin namang guguni-tain at ipapanalangin ang lahat ng mga namatay upang kung sila man ay nagkasala habang nabubuhay pa dito sa lupa ay patawarin ng Poong Maykapal. Requiem aeter­nam dona eis Domine et lux paerpetua luceat eis. Re­quiescat in pace!

Kaya’t tayong mga kristiano katoliko pilipino ay may bukod tanging intensyon tuwing darating ang araw na ito. Meron tayong tinatawag na tatlong ugnayan at tatsu-lok na panalangin, Tayong nabubuhay pa dito sa lupa ay may dalawang hinihingi sa kalangitan: Kapatawaran sa ating nagawang kasalanan at patawarin ng Diyos ang mga kaluluwa sa lugar na linisan (purgation of souls). Ang mga kaluluwa naman sa lugar ng linisan ay nana­langin din para sa atin upang huwag tayong mag­kasala at maiwasan ang hirap na kanilang binabata. Duma­dalangin din sila sa mga banal sa langit upang sila din ay gantimpalaan.

Ang mga banal sa langit    ay nagpupuri sa Ama at ipinapanalangin tayo upang huwag tayong magkasala. Ipinapanalangin din nila ang mga nasa linisang lugar.

Magdiwang tayo at magalak sapagkat malaki ang gantimpala natin sa langit!

Pahayag7:2-4, 9-14; Salmo 23; 1Jn3:1-3        at Mt 5:1-2

Show comments