(Huling Bahagi)
TAMA ang korte sa kabila ng pagkuwestiyon ng Solicitor General na: 1) ang ulat (psychiatric report) ay base lang sa impormasyong binigay ni Nita at hindi base sa pag-aaral kay Rod, at 2) walang patunay na taglay na ni Rod ang mga depektong binanggit bago pa man sila nagpakasal o na ito’y grabe, permanente at hindi na ito magagamot.
Ayon sa mga naunang desisyon (Marcos vs. Marcos, 200 Phil. 840), upang maipawalang-bisa ang kasal ay hindi kailangan na personal na masuri ng psychologist ang asawa na may diperensiya. Ang importante ay ang kabuuan ng ebidensiyang isinumite sa korte upang patunayan na mayroong tinatawag nating “psychological in Capacity”.
Sa kasong ito, bukod sa inusisa ng psychiatrist si Nita, tumestigo rin sa harap ng korte ang babae. Nagbigay siya ng pahayag at paulit-ulit na tinanong tungkol sa ulat na ginawa ng doktor. Isa pa, pinatunayan din ng mga pahayag ng kamag-anak ni Rod ang mga bagay na ipinagtapat ni Nita sa korte.
Hindi rin matatawaran ang kaalaman ng psychiatrist na naging testigo ni Nita. Sa may 40 taon niya sa paggagamot, malinaw niyang ipinaliwanag sa korte ang koneksiyon sa problema ni Rod tungkol sa kasal at sa takbo ng kanyang pag-iisip. Ang mga tao raw na tulad ni Rod na nakakaranas ng tinatawag natin na “dependent personality disorder” ay walang kakayahan para harapin ang araw-araw na pamumuhay. Mahina sila, walang tiwala sa sarili, takot, walang sariling disposisyon at lagging umaasa sa ibang tao. Ayon pa sa doktor, nagsimula sa pagkabata ang problema ni Rod. Ang ina, imbes na ama ang itinuturing niyang idolo habang lumalaki, dahil nga sa seaman ang ama at laging wala sa kanila. Hindi naging tama ang tagal ng panahon na umaasa siya sa ina. Naapektuhan na nito ang kumpiyansa at tiwala niya sa sarili, sa pagtatalik, sa pagtanggap niya ng responsibilidad at sa pagharap niya sa buhay. Nagsimula ang problema niya sa pagkabata ngunit lumabas na lamang ito nang ikasal na siya at hindi na ma kayanan ang hirap ng buhay may-asawa. Dagdag pa ng doktor, matindi ang ganitong sakit dahil hindi makakayanan ng pasyente ang res-ponsibilidad ng isang may-asawa. Apektado ang normal niyang pakikisalamuha at pakikiharap sa asawa.
Kahit pa may nauna tayong desisyon (Te vs. Te, G.R. 161793, February 1, 2009) na nagsasabing dapat na mahigpit na ipatupad ang mga panuntunan na nakasaad sa kasong Republic vs. Molina (268 SCRA 198), walang kasong de kahon. Bawat isa ay natatangi at dapat desisyunan base sa mga ebidensiyang ibinigay. Sa kasong ito, sapat ang naging pagsunod sa kaso ng Molina upang mapawalang-bisa ang kasal alinsunod sa Art. 36 ng Family Code, 1) malinaw na napatunayan ni Nita ang “psychological incapacity” o kawalan ng kakayahan ni Rod na gampanan ang buhay may-asawa, 2) malinaw na natukoy sa larangan ng medisina ang ugat ng psychological incapacity ni Rod, 3) malinaw na taglay na ni Rod ang naturang psychological incapacity bago pa man siya mag-asawa, 4) sa tindi ng deperensya sa pag-iisip ni Rod ay hindi niya kayang gampanan ang tungkulin ng isang asawa, 5) hindi magagampanan ni Rod ang obligasyon na hinihingi sa kanya alinsunod sa Art. 68 hanggang 71 ng Family Code, 7) hindi na magagamot ang sakit ni Rod dahil nakatatak na ito sa pagkatao niya mula pa sa pagkabata.
Tungkol sa konsepto ng “psychological incapacity” ay nagbabago depende sa inaabot ng siyensiya at medisina, kultura at lipunan pati ang pangangailangan pinansyal at material ng bawat pamilya. Sa kabila nito, dapat pa rin natin tandaan na may kasarinlan at kapangyarihan kailangang isaalang-alang ang mga pagbabago ng bawa’t pamilya. Dapat magtulungan at maghati ang mag-asawa sa responsibilidad ng pamilya.
Sa kasong ito, sa umpisa pa lang ay hindi na nabuo ang pamilya dahil hindi kayang tupdin ng isa ang kanyang responsibilidad (Az-cueta vs. Republic, G.R. 1806 68, May 26, 2009).