ANG mga public opinion survey ang kinikilalang paraan upang masukat ang damdamin ng taumbayan tungkol sa kanilang mga naiisip at nararanasan. Sa kanyang talumpati sa gabing siya ay nagdeklara ng kanyang layunin na tumakbo ulit bilang presidente, ginamit niya ang survey upang mailabas niya ang katotohanan na sa ilalim ng poder ni Mrs. Gloria Arroyo, bumagsak na nga ang ekonomiya ng Pilipinas at bilang patunay, mas marami na ngayon ang nasadlak sa kahirapan at nakakaranas ng gutom.
Punumpuno ng tao ang isang plaza sa Tondo sa gabing nagdeklara si Erap. Ito ay malinaw na indication na ma-rami pa rin ang kanyang followers at malakas pa nga ang kanyang hatak sa taumbayan, lalo na sa mahihirap. Hindi kataka-taka kung bakit pinili niya ng Tondo bilang venue ng kanyang pagdeklara, dahil sa dami ng tao sa Tondo na masasabing mahihirap, at tiyak na nakakaranas na rin ng gutom. Malakas ang hiyaw ng mga tao noong tinukoy niya ang mga elitista na nagmaniobra na alisin siya sa puwesto, upang gumanda raw ang ekonomiya, ngunit ang nangyari naman ay bumagsak nga.
Sa gabing ‘yon, ipinakilala ni Erap ang kanyang running mate na si Makati City Mayor Jojo Binay. Mainit din ang pagtanggap ng mga tao kay Binay, dahil marahil sa alam nila na si Binay ay isang human rights lawyer na kilalang kakampi ng mga mahihirap. Madalas mapabalita na si Binay na nga ang running mate ni Erap, ngunit sa Tondo pa lang unang na announce ito sa public. Habang sinasabi ni Erap na itatayo niya ulit ang bumagsak na ekonomiya, marahil naisip ng mga taga-Tondo ang posibilidad na kung si Binay ang magiging katuwang ni Erap sa pagpatakbo ng bansa, marahil magawa niya rin sa buong bayan ang nagawa niyang pagpagan-da ng ekonomiya ng Makati.
Habang nasa balita na ang ibang partido ay magpapatakbo ng mga candidate na walang karanasan sa pagiging executive, malinaw ang pahiwatig ng partido ni Erap na ang tandem nila ni Binay ang subok na sa pagiging executive. Sinadya man nila o hindi, pareho silang naging mayor, kung saan marami silang nagawa para sa mga tao upang ma- kaalpas sa kahirapan at makaiwas sa gutom.