'Sogo bagong hari ng mga motel (?)'

(Ika-apat na bahagi)

MISMONG MAYOR NG QUEZON CITY na si Mayor Sonny Belmonte ang nakausap namin tungkol sa isyu ng Sogo Hotel at diretsong sinabi nitong, “Let me take it from here. Titingnan ko kung ano ang magandang gawin dahil bawal nga ang pag-operate ng “motel” sa Quezon City. Meron kaming City Ordinance tungkol dito,” mariing sinabi ni Mayor.

Hindi pa natatapos ang araw nakatanggap kami ng tawag mula sa tanggapan ni Mayor. Ang nasa linya ay si Marge Santos- Roa at sinabi nito na ipinakuha na ni Mayor Belmonte ang mga iba pang kopya ng mga isyu na nailabas na sa aming kolum.

Ine-refer na ng magiting na mayor ng Q.C ang pag-iimbestiga sa tanggapan ni Mr. Pacifico “Pacs” Maghakot, Chief ng Business Permits and Licensing Office ng Quezon City.

Isang tawag lang kay Mayor Belmonte mabilis ang aksyon. Parati ngang sinasabi ng aking kaibigan na si Sec. Raul M. Gonzalez na si Mayor Sonny is the “BEST PRESIDENT OF THE PHILIPPINES that never had!”.

Hindi naman natitinag ang mga tao na nasa likod ng ga-higanteng korporasyon na ito na merong mahigit sa dalawampung hotels, hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa San Pedro, Laguna, Dau, Mabalacat Pampanga at sa Cebu.

Mula naman sa isang “impormante” maganda ang kanyang kwento at dito makikita kung anong uri ng mga pamamalakad ang ginagawa sa Sogo Hotel.

“Nag check-in ho ako sa Sogo, Cubao at pagpasok ko pa lamang sinabi ko na “stay awhile” ang kailangan kong kwarto. Tinanong ako ng room boy kung meron daw akong discount card at sinabi ko na wala akong card ng Sogo pero meron ako ibang discount card ng isang motel sa Pasig. Nagulat na lang ako ng sabihin sa akin na pwede naman daw gamitin yun at hiningi niya ito sa akin. Matapos ang lahat ng mabayaran ko na ang bill, binigyan ako ng discount sa kwarto subalit yung discount card ko ay hindi na ibinalik sa akin. Surrendered na raw yun,” ayon kay Richard Belano ng Murphy, Quezon City.

Ang galing ano? Sinubukan naming tawagan ang Sogo Hotel sa Cubao at hiningi ko na kung maaring makausap ang kanilang ‘manager’.

Ang tagal kaming pinaghintay sa telepono at ng kami’y balikan sinabi sa akin na umalis daw yung manager.

Nagtanong naman ako tungkol sa nangyari sa discount card ni Richard kung ganun ba talaga ang sinusunod nilang patakaran?

Hindi daw sila “authorized” na magbigay ng ganyang mga sagot sa telepono.

Inalam ko kung anong oras ang balik ng manager sa hotel. Tama ang hula ninyo. Hindi niya alam kung anong oras babalik si manager.

Itong gawain bang ito’y matatawag mong “fair competition”?

“Mr. Calvento paki tingnan din kung yang Sogo Hotel na yan ay talagang sa mga Pinoy at hindi sa mga dayuhan. Maaring affiliated sila sa isang international hotel at ang mga nakarehistrong may-ari ay pawang mga “proxies” (dummies) ng mga dayuhan. Kasi totoo ngang napakalaking kapital ang kailangan para magpatayo ng ganyang karaming hotel at mga hotel rooms,”.

Sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang nakalagay na subscribed capital ay four million pesos (4,000,000php) at ang paid up capital naman ay isang milyong piso lamang (1,000,000php). Talaga namang napakaliit na halaga para sa isang ganito kalaking negosyo. 

Maliwanag ang sinabi sa amin ni Usec Oscar Palabyab na ang Sogo Hotel ay rehistrado bilang isang “ECONOMY CLASS HOTEL.”

“Kung nag-ooperate sila bilang motel nasa mga Local Government Units’ (LGU’s) ang pagregulate niyan, mga Mayors at mga miyembro ng konseho ang nagreregulate niyan. Kami basta nakarehistro sa SEC at nag-apply dito ina-accredit naman namin” ayon kay Usec Palabyab.

SA JAPAN may lugar na SOGO at malalaking department stores na ang pangalan ay Sogo. Hindi ko alam kung merong kaugnayan yan sa Sogo Hotel natin dito.

“Magkano rin ang bili sa mga lupa na kinatatayuan ng Sogo Hotel? Nagrerenta lang ba sila? Imbestigahan ninyo din yan,” comment ng isang mambabasa. 

Ang nakarehistrong may-ari ay sina Roberto G. Olanday, taga 2195 Edsa, Guadalupe, Makati City (ang may pinaka malaking shares) sunod naman si Edmundo G. Las (kilalang si EDLAS) na taga 51 Visayas St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa, John E. Catindig ng 2307C Tektite Tower I, Philippine Stock Exchange Center, Ortigas Center, Pasig City, Higinio C. Fabian ng Unit 703-704 Pryze Center Condo, 1179 Chino Roces Avenue Cor. Bagtikan St., Brgy San Antonio, Makati City (siya ang tresurero) at si Arturo G. Brondial 2195, EDSA, Guadalupe, Makati City.  

Ito ang mga taong nasa likod ng Sogo Hotel. Meron din nag report sa amin na si Ignacio Gimenez ang taong nasa likod ng “code 818”. Si Gimenez o 818 at si Roberto G. Olanday ay magkamag-anak dahil ang “G” sa pangalan ni Olanday ay Gimenez. Hmmm… Interesting.

Sinabi ko rin kahapon na sa kasasaliksik ng “CALVENTO FILES” napag-alaman namin na may kaugnayan din ito sa isang bagong hotel chain na ang EUROTEL.

Nagpakuha ako ng Articles of Incorporation at by laws ng Eurotel at pati na rin ang Treasurer’s Affidavit mula sa SEC at heto ang mga pangalan ng mga tao na nakarehistro bilang incorporators ng Eurotel.

Reynaldo P. Panlaqui, na taga 302 EDSA Corner Taft Ave. Pasay City; Si Tomas B. Ting, na taga 2195 Edsa, Guadalupe, Makati City (Kamag-anak kaya ito ng kaibigan kong si Jolly Ting?); Si Oliver B. Soriano, na taga 16-M Opal St. Cypress Village. Quezon City; Si Angelo T. Las, na taga No. 51 Visayas St., Ayala Alabang Village, Muntinlupa City; at si Jasmin M. Jiao na taga 107 E. Rodriguez Ave., Libis, Quezon City.                  

MALIWANAG NAMAN ang koneksyon ng Sogo Hotel sa Eurotel. Tingnan ninyo ang pangalan Angelo T. Las at ang address nito sa Alabang Village sa Muntinlupa. Hindi ko pa alam kung anak ito ni Edmundo Las o anong relasyon subalit iisa ang kanilang tinitirihan. Sa Ayala Alabang!

Si Tomas Ting naman kapansin-pansin ang kanyang postal address ay yun din ang address ng korporasyon ng Sogo Hotel sa may Makati.

TAMA lang pala silang bansagang ang bagong hari ng mga motel sa Pilipinas. Hari ng ‘STAY AWHILE” motels.

 SUSMARYOSEP! Saan nanggagaling ang pera ng mga ito. Ilathala nga natin kung magkano naman at ano ang nakasaad sa kanilang Treasurer’s affidavit na isinumite sa SEC ni Ms Jasmine Jiao!

Iimbestigahan na ng tanggapan ni Mr. Maghakot ang pagpapatakbo ng Sogo Hotel. Nasisiguro ko rin na maaring ipatitigil muna nila ang kanilang ‘STAY AWHILE” room rates at magpapalamig subalit ang aking pagsusulat “has served its purpose.”

Kung motel ang operations ninyo i-deklara ninyong motel kayo at sa Quezon City, ayon kay Mayor Belmonte at Vice “Bistek” Bautista, BAWAL ANG MGA MOTEL!

Ngayon pa lang labis-labis ang pasasalamat ko may Mayor Sonny, sa mabait na si Ms. Marge Roa. Kay Mr. Maghakot! Hakutin mo silang lahat sa iyong tanggapan upang magpaliwanag!

Sa mga gustong magbigay ng impormasyon at dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City

Email address: mailto:tocal13@yahoo.com

Show comments