SUMULAT si mambabasa King Padrinao: “Maraming hindi marunong magmotorsiklo, kaya naaaksidenta. Ilahad mo sana sa column ang: (1) tamang helmet, (2) ilan ang puwede isakay, (3) ano ang edad ng sakay, (4) tamang headlight (may sobrang nakakasilaw na super-white), at (5) may plate number-coding ba ang motorsiko sa matra pik na siyudad?”
Sinagot lahat ni Arnel Doria, general manager ng Honda Safety Driving Center: “R.A. 4136 ang sumasaklaw sa mga katanungan. Ang batas ay 1964 pa; maraming probisyon ang binago na ng local ordinances, depende sa lugar, kaya nakakalito tuloy.
“Merong mga panukalang batas para imoderno ang R.A. 4136. Pinaka-komprehensibo ang Road Safety Bill ni Rep. Monico Puentebella. May dalawang bills si Sen. Bong Revilla na iobliga ang pagsuot ng helmet at ibawal ang mga bata, edad-7 pababa, sa motorsiklo. ‘Yung kay Sen. Antonio Trillanes IV, obligadong driver education bago lisensiyahan.
“Binalak iobliga ni dating LTO chief Alberto Suansing ang helmet specs na PNS-UNECE 22, pero tinutulan ng asosasyon ng motorsiklista at manufacturers. Suspendido muna ito, kaya bukod sa nauna, payag ang DTI sa specs na: British Standard 6658 A & B, Thailand Industrial Standard 369-2539, DOT Standard FMVSS 218, Japan Industrial Standard T8133, at Snell 95 & M2000.
“Ang motorsiklong walang sidecar ay dinisenyo para sa dalawang sakay. Walang malinaw na patakaran sa disenyo at laman ng sidecar.
“Ang driver ay hindi dapat bababa sa edad-16 (student permit) at 17 (non-pro). Panukala ni Revilla na iba-wal ang batang edad-7 pababa.
“Wala sa batas ang headlight intensity. Sa kotse kadalasan 50/60 watts ang liwanag; sa motorsikolo 30/30 watts. Kapag mali ang focus nito, halimbawa nakataas, makakasilaw sa kasalubong.
“Hindi sakop ang motorsiklo sa number-coding, na pampabawas ng malalaking sasakyan sa daan.”