^

PSN Opinyon

Panuntunan ng hamunan ng BITAG at REH Herbal.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

DALAWAMPUNG diabetikong may sugat sa paa na ma-lala na at ipinapuputol na ng doctor ang hinahanap upang maging case study na imo-monitor ng BITAG sa loob ng tatlong buwan o siyamnapung araw.

Ito ay dahil sa hamon ng kontrobersiyal na herbalist na si Rey Herrera sa kaniyang herbal na pagagalingin niya raw ang mga ito sa loob ng 3 buwan at kung hindi ay ipasasara ng BITAG ang kaniyang negosyo.

Sa kaniya na rin mismo nanggaling na titigil na rin siya sa kaniyang pagiging herbalist oras na mabigo siya sa hamunang ito.

Ang dalawampung case study na sasailalim sa aming pagmo-monitor ay magmumula lamang sa mga lugar sa Metro Manila upang maging madali sa BITAG na puntahan ang mga ito sa kani-kanilang bahay para sa monitoring.

Sa kasalukuyan, tatlo na ang lumapit sa amin at nabig­yan na ng supply ng herbal supplement ni Ka Rey. Labim-pito pa ang aming hinihintay para sa hamunang ito.

Bilang panuntunan ng hamunan, bawal makipag-usap o kumontak ang mga case study kay Ka Rey at sa sinu-mang tauhan nito.

Tanging sa BITAG lamang sila makikipag-ugnayan at oras na may madiskubre kaming komunikasyon sa pagitan ng REH Herbal at ng mga case study, diskuwa­lipikado agad sa hamunang ito.

Kakailanganin rin ang inyong medical o laboratory records bilang patunay na ang pasyente ay may sakit na diabetes dahil ito ang pangunahing kuwalipikasyon       upang maging case study ng hamunang ito.

Maaaring magpunta sa aming studio sa UNTV ang mga diabetikong sasali sa pa­nawagang ito ng BITAG sa mga oras na alas-9 hanggang 10:30 ng umaga.

Ito’y upang personal akong makaharap at mai­pakita kung sila nga ay ma­papabilang sa aming mga case study.

BILANG

CASE

KA REY

KAKAILANGANIN

LABIM

MAAARING

METRO MANILA

REY HERRERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with