^

PSN Opinyon

'Ako Bicol-Tarabangan 2009

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI naging hadlang ang pagod at puyat sa grupong “Ako Bicol-Tarabangan 2009” para hindi marating ang Marikina, Novaliches, Cainta at Calamba para mamahagi ng relief goods. Bukod sa relief goods, may dala rin silang heavy equipments upang tumulong sa paglinis sa mga kalsada. May dalang coco lumber upang ipamahagi sa mga magtatayo ng bahay at may mga dala ring walis para sa paglilinis ng kapaligiran.

Dumating ang grupo sa pangunguna ni Atty. Rodel Batocabe sa C-5 Road dakong alas-onse ng gabi. Naka­tawag ito ng pansin sa akin habang naglilibot sa Taguig. Ang haba ng kanilang caravan dahil may dala silang heavy equipments, dump truck at limang truck na puno ng relief goods. May kabuuang 120 volunteers personel naman ang kasama sa caravan na ayon kay Dr. Fulbert Gillego ng Legazpi City Health Office ay mga bihasa sa paglilinis ng kalsada at paghuhukay sa mga natabunan ng lupa.

Nais lamang umano ng grupo na makibahagi sa pagtulong sa mga biktima ni Ondoy dahil noong sila umano ay sinalanta ng bagyong Reming noong 2006, malaki ang naitulong ng mga taga-Metro Manila sa kanila. Kaya ngayong nakaahon na sila sa trahedya, bukaspalad naman silang tutulong sa mga biktima hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang lugar.

Malaki ang magagawa kung ang bawat isa sa atin ay sama-samang magtulungan gaya ng ginawa ng “Ako Bicol Tarabangan 2009” sa pakikipagtulungan ng Sunwest Care Foundation, LGU Legazpi, City Health Team Legazpi and Tabaco Fire department, Rotary Club of Legazpi Central, Rotaract Club of Legazpi Central, Jaycees, Picpa, Legazpi Chinese Association, Tektone Foundation, PBN Foundation, Dzgb Radio (Naga, Sorsogon) Bombo Radio, Constituents from Iriga City and Daet, Camarines Norte and other volunteers from NGO’s and Youth Organization.

Saludo ako sa grupong ito. Sa kabila ng mga trahed­yang dinanas ng kanilang lalawigan, madali nilang nalampasan ang pagkagutom at maibalik ang kanilang pamumuhay sa normal. Kung sabagay, iba ang buhay sa Kabikolan dahil malawak ang lupain na mapagtirikan ng kanilang kabahayan, di tulad dito sa Matro Manila na over crowded na kaya sa tabing ilog nagtitirik ng bahay. Likas na sa mga Bicolano na magsariling sikap kahit may tulong na dumarating sa kanilang lalawigan. Ayon sa aking mga nakausap hindi raw habang panahon ay may tutulong sa kanila kaya kailangang kumayod ang bawat isa upang mabuhay.

AKO BICOL TARABANGAN

AKO BICOL-TARABANGAN

BOMBO RADIO

CAMARINES NORTE

CITY HEALTH TEAM LEGAZPI AND TABACO FIRE

DR. FULBERT GILLEGO

DZGB RADIO

IRIGA CITY AND DAET

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with