^

PSN Opinyon

EDITORYAL- Mga bayani ay lumilitaw sa oras ng pangangailangan

-

ISANG linggo na ang nakalilipas mula nang ha­gupitin ng bagyong si Ondoy ang Metro Manila at maraming lugar sa South at Central Luzon. Hang­gang sa kasalukuyan, ang sugat na nilikha ni Ondoy sa maraming mamamayan ay sariwang-sariwa. Marami pang lugar particular sa Cainta, Rizal at Sta. Cruz, Laguna na lubog pa sa tubig.

Sa paghagupit ni Ondoy, maraming bayani ang lumitaw. Ipinakita nila ang pagmamahal sa kap­wa. Isa sa mga bayani na lumitaw habang nananalasa si Ondoy ay ang 18-taong gulang na consruction worker na si Muelmar Magallanes ng Bagong Sila­ngan, Quezon City. Sobra-sobra pa siyang tawaging bayani sapagkat 30 tao ang kanyang nailigtas sa kalakasan ng tubig na ru­magasa sa kanilang lugar. Pinakahuling nailigtas ni Muelmar ay ang anim na buwang sanggol. Pag­katapos mailigtas ang sang­gol, tinangay nang malakas na agos si Muelmar at nalunod. Kina­bukasan na nakita ang kanyang bangkay.

Ayon sa ina ng sanggol na si Menchie Peña- losa, nabitiwan niya ang kanyang anak habang   ito ay nasa styrofoam box. Si Muelmar na paba-lik na at nakapagligtas na ng 29 katao ay mabilis na sinagip ang inaanod na stryofoam na kina­roroonan ng sanggol. Iyon pala ang kahuli-huli­hang ililigtas ni Muelmar.

Iyak nang iyak si Menchie. Hinding-hindi raw   niya makakalimutan si Muelmar na sa kagustu-   hang mailigtas ang kanyang anak ay hindi na inalala ang sariling kaligtasan.

Sabi ng mga magulang ni Muelmar, hindi raw nila akalain na ang pananalasa ni Ondoy ang mag­du­­dulot sa pagkawala ng kanilang anak. Mabait daw ang kanilang anak at handang tumu­long sa mga nasa bingit ng panganib. Hindi raw nila malilimutan ang bangis ni Ondoy na kumitil sa buhay ng kanilang anak.

Higit pa sa isang bayani si Muelmar dahil sa dami ng buhay na kanyang nailigtas. Siya ang dapat parangalan sapagkat handang tumulong     sa oras ng panganib. Di-hamak na talo ni Muelmar ang ilang pulitiko na kailangan pang ibandera ang pangalan para masabing tumulong.

BAGONG SILA

CENTRAL LUZON

MENCHIE PE

METRO MANILA

MUELMAR

MUELMAR MAGALLANES

ONDOY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with