^

PSN Opinyon

Senior voters paano na?

PILANTIK - Dadong Matinik -

Maraming botante ay senior citizens

na dapat ay alam kanilang gagawin;

Sa pagpili ngayon ng ating president

baka magkamali sa pagbotong modern!

Sa mga presinto ay automation na

ang pagboto ngayon na bagong sistema;

Ang sistemang ito’y sadyang naiiba

na dapat ay batid ng mga matanda!

Kaya sa Comelec ang pitak na ito

ay may panawagan tungkol sa pagboto;

Ang lahat ng srniors matatandang tao

ay bigyan ng dunong sa sistemang bago!

Sa Comelec office at mga barangay –

mga munisipyo’t tanggapang probinsyal;

Dapat may personnel doo’y magbibigay

ng wastong instruction tungkol sa paghalal!

Ngayo’y automation ang bagong sistema

eh anong gagawin kung di alam nila?

Baka ang computer kapag pinindot na

napiling candidate pangala’y sumala!

Itong automation na bago sa bayan

hangga’t malayo pa nasabing halalan

Naturang sistema’y dapat nang malaman

ng mga matanda’t bagong manghahalal!

Sa mga balota’y dapat bang magsulat

ng mga pangalan sa baya’y humarap?

Mga kandidato na laman ng utak

pangalang pinindot – iba nang lumabas?

May mga botanteng dahil matanda na

hirap nang magsulat, hirap nang bumsa;

Sila ay posibleng ngayo’y mabiktima

Ng mga candidate na maraming pera!

Pasasamahan pa sa mga presinto –

kunwa’y tuturuan ng wastong pagboto;

Kapag binasa na ibinoto nito –

paglabas sa machine – nagwagi’y demonyo!

COMELEC

DAPAT

ITONG

KAPAG

KAYA

MARAMING

NATURANG

SA COMELEC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with