^

PSN Opinyon

'Gout kaya itong nararanasan kong sakit?'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

“Ako po ay 45 years old at kasalukuyang narito sa Jeddah, Saudi Arabia at nagtatrabaho bilang supervisor sa maintenance company. Mahilig akong kumain ng atay ng manok at monggo. Hanggang sa maramdaman ko ang pananakit ng aking kasu-kasuan. Namamaga ang hinlalaki ng aking mga paa. Me nagsabi sa akin na gout ito at ang sabi naman ng isa pa, arthritis ito. Hindi ako makapagpa-check-up sa doctor dito dahil wala akong tiwala, Gusto ko Pinoy doctor ang mag-aadvice sa akin,”

– TIMOTEO MAMARIL

Batay sa sinabi mong sintomas, gout ang narara­nasan mo. Karaniwang dumadapo ang gout sa mga kala­lakihang may edad 40 pataas. Masakit kapag dumapo ang gout. Palatandaan ng gout ang pagkakaroon ng fever at pamamaga ng kasu-kasuan. Pinakamasakit na bahagi ang hinlalaki ng mga paa. Nagkakaroon ng gout dahil sa mataas na deposits ng monosodium urate crystals­ na naiipon sa mga kasu-kasuan. Nasa dugo ang mataas na uric acid.

Karaniwang ibinibigay sa may gout ang Colchicine para mabawasan ang pananakit at ang pamamaga. Gayunman, ang Colchicine ay nagiging dahilan ng diarrhea at ang pinaka-serious na side effects ay ang pagka­pinsala ng bone marrow. Ipini-prescribed na rin ang non- steroidal anti-inflammatory drug kasama ang Allopurinol. Ang Allopurinol ay gamot na humahadlang sa production ng uric acid sa kata­wan. Ang gamot na ito ay kapaki-paki­nabang sa mga may mataas na uric acid blood level at ganoon din sa mga may kidney stones. Dapat namang imonitor ng doctor ang mga gumagamit ng Allopurinol sapagkat ang gagamit nito ay maaaring makaranas ng pananakit ng sikmura, skin rash, pag-decrease ng white blood cell count at maaaring mapinsala ang atay.

Hindi lamang sa hinla­laki maaring tumama ang gout kundi pati na rin sa bali­kat, siko, daliri, gulugod, bay­wang at iba pang bahagi ng katawan.

Para maiwasan ang gout, ipinapayo ko na: 1) Mag­bawas ng timbang; 2) Iwasan uminom ng alak at kumain nang mataas sa purines gaya ng atay, kidneys, utak, sardinas, dried beans, asparagus, cauliflower, mush­rooms at spinach; at 3) Uminom nang maraming tubig araw-araw.

vuukle comment

ANG ALLOPURINOL

BATAY

DAPAT

GAYUNMAN

GOUT

HANGGANG

KARANIWANG

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with