^

PSN Opinyon

Talo sa unang salpukan si Erap

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG maiiwan sa kangkungan si dating Pres. Erap Estrada kung ang mga expose ni Sen. Ping Lacson ang gagawing basehan. Walang puknat kasi ang tirada ni Lacson kay Erap at mga anak na sina Sen. Jinggoy Estrada at Jude Estrada at natatabunan na ang isyu ukol sa pagpaslang kina PR man Bubby Dacer at driver na si Emmanuel Corbito. Panay ang meeting ngayon ni Lacson sa PR man na si Greg Garcia kaya’t tiyak marami pa siyang ibubulgar laban sa pamilya Estrada. Naka-meeting din ni Lacson si Butch Tenorio, ang dating chairman ng PAGCOR, at tiyak doon siya kumukuha ng detalye ukol sa kaso ng disappearance ni Edgar Bentain. Kaya’t humanda-handa na si Erap at tiyak, marami pang delubyo ang darating sa buhay niya. Kapag nasabit kasi siya sa kaso nina Dacer at Corbito, goodbye na lang sa pangarap niyang maging presidente ng muli ng bansa. Mukhang gina-gang-up ng mga dating opisyal niya si Erap ah?

Kasama sa media blitz ni Lacson ang interview kay dating Supt. Glen Dumlao kung saan itinuturo nito na si Erap nga ang mastermind sa likod ng pagpaslang kina Dacer at Corbito. Ayon sa mga kausap ko sa NBI, swak na o hindi na makapagbaliktad sa kanyang sinumpaang testimonya si Dumlao subalit ang ginawa niyang pagturo kay Erap ay makaaapekto rin sa kaso nga. Sa ngayon, naguguluhan na ang pamilyang Dacer kung sino ba ang dapat nilang idagdag sa complaint, si Lacson ba o si Erap?

Lumalabas naman sa NBI na ang kasapakat ni Lacson sa interview ke Dumlao ay ang asawa ng witness na si Juliet. Itong si Juliet kasi mga suki ay nakausap noong nakaraang May 21 ng umaga  ni Lacson sa Amity Hotel sa Palanan City sa Isabela at maaaring nagkakutsaba sila para linisin ang pangalan ng una sa kaso nina Dacer at Corbito. Magaling talagang mag-maniobra ang kampo ni Lacson para mailigtas ang sarili sa kaso, no mga suki?

Ito palang PR man na si Greg Garcia ay dati ring nasa employ ni Lacson subalit lumipat ito sa bakod ni Rep. Ronnie Zamora. At habang umiinit ang Dacer-Corbito case, kinuha na muli ni Lacson ang serbisyo ni Garcia. At itong sina Lacson, Zamora at katotong Lito Banayo ay nag-meeting sa bahay ni Garcia sa Makati City nitong nagdaang mga araw para isulong pa ang pagpabagsak ke Erap at madawit nga siya sa kaso nina Dacer at Corbito. Nakipagmeeting din sa isang Chinese restaurant sa Makati City sina Lacson at Banayo kay Tenorio para naman sa kaso ni Bentain. Kumpleto-rekado ang mga banat ni Lacson kay Erap dahil sa tulong nina Garcia at Tenorio. Bakit kaya naghu-Hudas na ang mga dating bataan ni Erap sa kanya?

Maliwanag naman na iniinda ng kampo ni Erap ang expose ni Lacson. Subalit ang bukambibig lamang nitong mag-ama na Erap at Jinggoy ay dapat mag-file ng kaso sa korte si Lacson kung me ebidensiya siya laban sa kanila. Subalit ang hamon na ‘yan ay hindi makakapagpigil kay Lacson para lalong ibaon sa kumunoy ang political future ni Erap. Sa tingin ng mga kausap ko sa NBI, TALO sa unang salpu­ kan pa lang si Erap. Makakabawi pa kaya siya? Abangan!

AMITY HOTEL

CORBITO

DACER

ERAP

GARCIA

GREG GARCIA

KASO

LACSON

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with