(Ikatlong bahagi)
UMIINIT ANG USAPIN ng NICE HOTEL na matatagpuan sa Highway Hills sa Lungsod ng Mandaluyong tungkol sa kanilang pagbubukas nung Agosto 15, 2009 na wala pa ang mga kaukulang occupancy permit at business permit.
Maraming nagbigay ng kanilang mga impormasyon at reaksiyon ito ay ilalathala namin sa mga susunod na artikulo.
Ang mga may-ari ng Nice Hotel na ito ay ang mag-asawang Carlos at Betty Te na taga Davao City sa ilalim ng korporasyon ng Color Group Incorporated.
Dalawang artikulo ang naisulat ko at agarang nag-react si Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.
Inilabas niya ang isang CEASE AND DESIST order na pinirmahan ng kanyang Chief ng Business Permits and Licensing Department ng Mandaluyong at pinirmahan ni Mayor Abalos na itigil ng Nice Hotel ang kanilang operations o ang pagtanggap ng mga customer sa kanilang hotel.
Narito ang buod ng order na ito para inyong mabasa.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
CITY OF MANDALUYONG
Business Permits and Licensing Department
THE PRESIDENT/CEO/GENERAL MANAGER
NICE HOTEL
EDSA, Highway Hills
Mandaluyong City
Dear Sir/Madam:
This refers to your hotel operations whose application for business permit was approved by this office after your application form has been granted with a zoning, clearance and was given what was perceived as an endorsement approval by the Engineering Department as evidenced by the alleged assessment appearing in the back portion of the said application. In addition, all other documentary requirements were also complied with including among others; a Barangay Clearance and a memorandum of Agreement (MOA) indicating the restrictions we are imposing on such kind of business.
The Engineering Office recently informed us, that although a “building permit” was issued to your establishment, no “occupancy permit” has been granted to your hotel which means that the said building is not ready for occupancy much more, ready for business operations. Also the Chief of the Engineering Department has informed us that the assessment and signature at the back of the application are not by any of his staff.
In view thereof, your hotel is hereby ordered to TEMPORARILY CEASE and DESIST from continuing commercial operations effective upon receipt hereof until such time that you are able to secure an “occupancy permit” for your structure. You are also ordered to shed light on how you obtained the assessment and signature of the back of the application which turned out to be ‘bogus’ per Engr. Cris Roxas. Failure to abide with this order shall compel us to institute drastic sanctions which may include the issuance of an order for the REVOCATION of your permit and CLOSURE of your hotel. We shall conduct periodic monitoring in your establishment to ensure compliance on your end.
For your information and guidance.
Very truly yours,
CATHERINE JANE DL. ARCE
Chief
TAHASANG sinabi ng Engineer ng Mandaluyong na si Cris Roxas na ang mga pirma sa likuran ng kanilang application ay “bogus” o peke.
Kung ganun pala bakit hindi mo sampahan ng kaso ang mga tauhan ng Nice Hotel dahil sa ilalim ng principle na kung sino ang mga hawak ng “spurious document” ang siyang nasa likod at may kagagawan nito (author of the spurious document is the holder of the questioned document). Ano hinihintay mo Engr. Roxas?
Para sa isang patas at balanseng pamamahayag nakausap namin si Mr. Renold Zenarosa ang officer-in-charge ng Nice Hotel at sinabi nito na wala raw silang kinalaman sa pekeng pirma sa kanilang application.
“Pinalakad namin ang mga papeles sa isang taga munisipyo na si Angel Cruz. Hindi namin alam kung paano nangyari at peke ang mga pirma daw ni Engr. Roxas at ilang tao pa sa aming application.
Tungkol naman dun sa resibo na inilathala ninyo, meron kaming resibo na galing sa BIR subalit nahuli lamang ng konti. Ito ang dahilan kaya kinailangan gumamit kami ng sarili naming resibo,” sabi ni Zenarosa.
TANUNGIN natin ang sinumang abogado at ipapaliwanag sa atin ng ang mga salitang ito ay “self-serving”.
Bakit ba nagmamadali ang Nice Hotel mag-umpisa ng operations nung August 15, 2009? Ano ba meron sa petsang ito na kinailangan nilang magbukas kahit wala pang “official receipt” galing sa BIR?
Ang tanong din ay kung bakit ang isang multi-million operation ng isang hotel (motel ba?) na ang klasipikasyon ay isang apartelle ay hahayaan lamang na lakarin ng isang Angel Cruz? Bakit hindi nila bineripika ang “authenticity” ng mga pirma sa likod ng kanilang application?
Isang bagay ang sinabi ni Mayor Abalos sa amin dito sa “CALVENTO FILES.”
“Matapos ang isang masusing imbestigasyon sa pagkapeke umano ng mga pirma ng aming tauhan sa engineering division ibabalita ko sa inyo at sa lahat ng inyong mambabasa kung anong sanctions at penalties ang ipapataw namin sa mga taong nagkamali o nagkasala sa usaping ito” mariing sinabi ni Mayor Abalos.
Hindi dito nagtatapos ito dahil masalimuot pala ang usaping ito. May nagbigay sa akin ng impormasyon na nagbabangayan daw ang dalawang grupo sa loteng unang inalok sa Sogo Hotel na ngayong kinakatayuan ng Nice Hotel sa Highway Hills sa Mandaluyong City.
Ang Sogo at Nice Hotel ba ay naglalaban na makuha ang titulong MOTEL KING na dating hawak ni Angelo King ng Victoria Court na ipinamana sa kanyang mga anak na si Widen at Archie King?
TATALAKAYIN ko ito sa BIYERNES sa pagpapatuloy ng isyung ito. Eksklusibo dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON”
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387265. Maaari din kayong magpunta sa 5th FLOOR CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasay City.
* * *
Email address: tocal13@yahoo.com