(Ikalawang bahagi)
SOGO AT NICE… Ang “advertising tagline” ng Sogo Hotel ay SO CLEAN… SO GOOD…. Ano naman ang sa Nice Hotel? SO NICE? Kapag sinama silang dalawa So clean, so good and so nice!
Dalawang hotel sa lungsod ng Mandaluyong na ang permit ay para sa isang hotel at ang isa naman ay apartelle.
Subalit, napatunayan namin na parehong pwede naman silang pang “short time.”
Gaya ng binanggit ko nakumpirma naming sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang Mayette Camila na pwedeng bumaba sa Six Hundred Ninety Pesos (690php) ang babayaran ng isang customer depende sa oras ng gamit mo.
Hindi ba maliwanag na “short time” ito. Meron pa ang Sogo Hotel ng mga discount card na P120.00 na kung ida-download mo at ipi-print mula sa kanilang “official website” sa internet maari mo ng gamitin ito.
Ang Nice Hotel naman ay nasa Kalentong sa Highway Hills at gaya ng binanggit ko nag-umpisa sila ng operation nung August 15, 2009 kahit hindi pa kumpleto ang papeles dahil wala pang “occupancy, zoning permits at license to operate.”
Ipinablish ko ang isang resibo (ang original nasa akin) at ang photo copy ay ipinadala ko sa tanggapan ni commissioner Sixto Esquivias IV ng BIR.
Wala pa rin raw permit ang Nice Hotel mula sa Engineering Office at Fire Department ng Mandaluyong ng sila ay magsimula.
Napag-alaman naming na ang Nice Hotel ay nakarehistro sa Securities and Exchange Commisision (SEC) na taga Davao City ang may-ari.
Ang mga miembro ng korporasyon ay sina Betty at Carlos Te, Petra P. Sese, Noly G. Gayoma at Adonis A. Baluyot.
Ang mag-asawang Te ay mga taga Davao City subalit sa kanilang Articles of Incorporation, nakasulat na ang lahat ng mga pangalang naisulat ay pawang mga taga Valenzuela at Malabon City.
Si Carlos ang Chairman at Chief Executive Officer habang si Betty ang Chief Financial Officer na nakalista sa SEC sa ilalim ng Color Group, Incorporated na siyang nagpapatakbo ng Nice Hotel.
Ang dami na nitong branches gayung ang kanilang “amount subscribed” sa SEC ay 250,000php lang at ang amount paid ay kakarampot na 62,500php naman.
Si Betty Te ay nakalista na 115,000php ang amount subscribed at meron siyang 1,150 shares at ang binayaran niya sa SEC ay 28,750php lamang.
Ito naman si Carlos Te ay 112,500php at merong 1,125 shares at ang binayaran niya ay 112,500 lamang.
Ang iba pang mga “incorporators” gaya ni Petra P. Sese 7,500php at ang binayaran ay 1,875php lamang. May hawak siyang 75 shares at gayun din sina Noly G. Gayoso at Adonis A. Baluyot.
Paano naman pinayagan yan ng SEC?
Bawal yang ganun kaliit na “amount subscribed/paid” para sa isang multi-million peso corporation gaya ng Color Group. Ang sa dami ng kanilang mga hotels sa Metro Manila.
Ibinulgar sa aming tanggapan na PEKE umano ang mga pirma sa likod ng mga papeles ng NICE HOTEL.
Isang nagngangalang Catherine Arce na hepe ng Bureau of Permit and License Office ang iskandalong ito hindi mapapansin ito! Hahayaan na lamang ba natin ito, Mayor Benhur. Mabilis na naghugas kamay ang engineer ng Mandaluyong ng sabihin nitong hindi sa kanila ang pirma sa mga papeles ng Nice Hotel.
Engineer Cris Roxas kung hindi nga sa iyo o sa mga tauhan mo ang pirma sa likod ng “assessment and occupancy permit” bakit hindi kaagad irekomenda na isara ang Nice Hotel na ito? Bakit hindi maglabas ng “CEASE AND DESIST ORDER” para hindi mag-operate hangga’t hindi naayos ang lahat ng papeles?
Marami ka naman kilala sa National Bureau of Investigation bakit hindi ninyo paimbestigahan sa mga tauhan ng NBI yan at ng mahabla ng “falsification of public document” ang mga may kagagawan niyan?
Ayoko naman isipin na wala kayong ginawa dyan sa engineering office kundi pumusta sa inyong paboritong off-track-betting stations ng karera. Mga naka-VIP pa at ang lalaki ng pusta. Hmmm..Mabuti kung sa kabayo ni Mayor Benhur na si “Ibarra” tumataya kayo!
Ayon sa kagalang-galang na Ama ng Lungsod ng Mandaluyong pinatitingnan na daw niya ang isyu ng Nice Hotel. Tingin lang ba mayor? Kailangan aksyunan mo para hindi ka balewalain ng iba pang gustong magtayo ng negosyo sa inyong primyadong lungsod!
PARA SA ISANG PATAS at balanseng pamamahayag tinatawagan namin ng pansin ang Nice at Sogo Hotels, pati na rin ang pamunuan ng Mandaluyong City.
ABANGAN sa MIYERKULES ang iba pang karagdagang ulat tungkol sa isyung ito. Eksklusibo dito lamang sa “CALVENTO FILES” sa Psngayon.”
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan maari kayong tumawag sa 6387285 o magtext sa 09213263166 o 09198972854.
Maari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
Email address: tocal13@yahoo.com