DALAWANG HOTEL SA LUNGSOD NG MANDALUYONG ang kamakailan inereport sa aming tanggapan na nag-ooperate na parang motel.
Ito ay ang Sogo Hotel sa Kalentong at ang Nice Hotel na matatagpuan sa Highway Hill parehong nasa Mandaluyong.
Kapag nagtanong ka sa dalawang hotel(?) na ito ay sasabihin sa inyo ang kanilang regular room rates na halos pitong daang piso (Php700.00). Meron din silang rates para sa twelve hours (12hrs) stay na nagsisimula ng alas otso ng gabi hanggang alas otso ng umaga. ‘Half the price promo’ ang pinalalabas nila.
Nakumpirma ng “CALVENTO FILES” na ang dalawang ito ay pumapayag ng ‘short time’ at ayon sa nakausap namin sa Sogo Hotel na si Mayette Camila, maaring bumaba ang presyo ng kanilang 12 hour special depende sa tagal ng oras ng pamamalagi ng isang customer.
Nakausap namin si Mayor Benhur Abalos sinabi nito na hindi naman bawal ang motel sa Mandaluyong at ginawa pa niyang halimbawa ang Bermuda Motel.
Ang tanong may permit ba ang Sogo at Nice na mag-operate na parang motel?
Ang Nice ay nakarehistrong apartelle, ang klasipikasyon ng isang apartelle dapat may “kitchen” at parking space. Walang ganun sa Nice Hotel.
Napansin niyo ba na marami sa mga branches ng Sogo Hotel ay merong Casino Filipino ng Philippine Gaming and Amusement Corporation (PAGCOR)?
Halatang malakas sila dahil may kapit sila sa Pagcor.
Sino ang mga may-ari ng Nice Hotel? Sa aming pagsasaliksik nalaman namin na nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) na taga Davao City ang may-ari.
Ang mga miyembro ng korporasyon ay sina Betty at Carlos Te, Petra P. Sese, Noly G. Gayoma at Adonis A. Baluyot.
Ang mag-asawang Te ay mga taga Davao City subalit sa kanilang Articles of Incorporation, nakasulat na ang lahat ng mga pangalang naisulat ay pawang mga taga Valenzuela at Malabon City.
Si Carlos ang Chairman at Chief Executive Officer habang si Betty ang Chief Financial Officer na nakalista sa SEC sa ilalim ng Color Group, Incorporated na siyang nagpapatakbo ng Nice Hotel.
Malakas ba ang mga ito sa batang Mayor ng Mandaluyong City? Bakit ko tinatanong iyan?
Nagbukas ang Nice Hotel nung Agosto 15, 2009 na hindi pa kumpleto ang mga kaukulang papeles nito. Wala pa silang “occupancy, zoning permits at license to operate.”
“Hindi naman nila mapagkakaila ito dahil ipakikita ko sa inyo ang isang resibo kung saan maliwanag na tumanggap sila ng bayad para sa room rental na nagkakahalaga ng Php280,” sabay pakita ng aming source ng resibo.
Wala pa rin raw permit ang Nice Hotel mula sa Engineering Office at Fire Department ng Mandaluyong ng sila ay magsimula.
Aba, paano nangyari ito? Uulitin ko ang tanong ko. Bakit ang lakas ng Nice Hotel na basta na lamang magbukas at mag-operate nung August 15, 2009.
Upang patunayan mga mambabasa ng “CALVENTO FILES” na nag-ooperate na nga ang Nice Hotel nung petsang iyon, ilalathala ko ang photo-copy ng isang resibo na ibinigay ng Nice Hotel kasama ang artikulong ito.
Ang proseso kasi ay dapat kasama ang Mayor’s Permit isinusumite sa BIR para magprint ng official receipt. Walang ganun nangyari sa Nice Hotel.
Kung susuriin ninyong mabuti ang resibo walang tatak ito mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Investigative ang ginawa namin kaya’t pati numero ng resibo ay “0007” ala “James Bond” sobra pa nga ng isang zero.
MARAMI pang rebelasyon tungkol sa Nice Hotel at Sogo Hotel ang aking ilalabas sa LUNES…. Eksklusibo dito lamang sa “CALVENTO FILE sa PSNGAYON. Abangan!
Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.