^

PSN Opinyon

Bro. Eddie lalaya na sa pastoral duties

- Al G. Pedroche -

MAMAYANG gabi, ganap nang lalaya si Bro. Eddie Villanueva sa lahat ng kanyang pananagutan sa simbahan bilang pastor. Ito’y gaganapin sa San Juan Arena kaugnay ng isang Hebrew festival na “Feast of the Trumpets” na ipinagdiriwang hindi lang ng mga Jews kundi ng ibang mga Kristiyano na kumikilala sa relasyon ng Kristiyanismo sa Hudaismo.

Nagbakasyon si Bro. Eddie sa kanyang pastoral duties simula nang pamunuan niya ang Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement na ang adbokasya ay righteou­s governance o matuwid na pamamahala. Ma­mayang gabi ay pormal nang idedeklara ng mga church members and pag-aalis pansamantala sa balikat ni Bro. Eddie sa mga responsibilidad niya sa simbahan to pursue­ another calling.

Bukod diyan babasbasan ng mga church members si Bro. Eddie kaugnay ng kanyang pagtakbo bilang Pa­ngulo sa 2010. Puro higante sa pulitika ang magiging katunggali ni Bro. Eddie ngunit hindi siya natitinag sa kan­yang planong pagtakbo.

Mistula siyang munting “David” na nakikibaka sa dambuhalang “Goliath.”

Siguro’y may ibang kukutya sa kanya pero hindi lamang pagwawagi ang layunin ng isang persistent alter­native candidate na katulad niya. Ito ay ang pagpapahayag ng mensa­heng dapat nang magkaisa ang sambayanan para mag­karoon ng tunay na reporma sa sistema ng pa­mahalaan at mapuksa na ang talamak na graft and corruption na umiiral sa bansa sa matagal na panahon.

BAGONG PILIPINAS

BAGONG PILIPINO MOVEMENT

BUKOD

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

FEAST OF THE TRUMPETS

HUDAISMO

SAN JUAN ARENA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with