Kay bilis ng araw September na naman
Narito nang muli ang mga “ber” months;
Mga buwan itong English kung pakinggan
At holiday seasons na inaabangan!
Hinihintay ito ng bata’t matanda –
Mga estudyante’t mga manggagawa;
Mahabang bakasyong pinakananasa
At ngayon ngang “ber” na darating na kusa!
Sinasabi nating ang X-mas holidays
Mahabang panahong sa bansa ay rest day;
Ito ay bakasyong kusang dumarating
Mga empleyado’y nauwi sa province!
Mga mag-aaral ay pawang masaya
Malayo’t malapit nagkikita-kita;
Ang mga teenagers ay magkakasama
Sa mga pasyalan ay barka-barkada!
Mga kabataang lalaki’t babae
Nagkakatuwaan sa araw at gabi;
Ang nagliligawang prinsesa’t prinsipe
Mapagsisino mo kung sinong magkasi!
At sa bawa’t taon mga buwang may “ber”
Magkakapit-bahay samaha’y matamis;
Dating magkaaway sila’y naglalapit
Lahat ay masaya’t ang Pasko’y sasapit!
Mga empleyado sa mga tanggapan
Palaging masaya ang puso’t isipan;
Lahat umaasa na sa huling buwan
Tatanggap ng “bonus” sa pinaghirapan!
Subali’t ang “ber” ay di laging saya
Ang idinudulot sa tuwi-tuwina;
Mga nasunugang tanggapa’t pabrika –
Walang ibibigay na mga biyaya!
May mga office ring nagsara ng pinto
Dahil ang capital at ang savings nito –
Ninakaw ng mga tauhang demonyo
Kaya may pamilyang malungkot ang Pasko.