^

PSN Opinyon

Sen. Mar Roxas, great statesman

- Al G. Pedroche -

NAPAHANGA ako ni Senator Mar Roxas sa ginawa niyang pagpapaubaya kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino para maging standard bearer ng Liberal Party sa 2010 presidential polls.

Sobrang hirap, pagod at pananalapi na ang naipu­hu­nan na ni Roxas para sa kanyang naunsiyaming kandi­datura sa pagka-pangulo ngunit nagparaya siya para hindi mawasak ang partidong kanyang pinamumunuan. “Mas gusto kong maging pinuno ng pagkakaisa” aniya sa kanyang statement sa Club Filipino.

Parang aksidente ang pagsirit ng pangalan ni Noynoy bilang potensyal na Pangulo ng bansa. Ito’y bunga ng pagyao ng kanyang ina na si dating Presidente Corazon Aquino na muling nagpaalab sa diwa ng nasyunalismo sa puso ng mga Pilipino. Lohikal at marangal na hakbang ang ginawa ni Roxas na umatras at sumuporta sa kandidatura sa pagka-pangulo ni Noynoy na tumaas ang winning potential bunga ng euphoria sa pagpanaw ng kanyang ina. Bunga niyan, kung pagbabasehan ang surveys, tila hirap na hirap makausad ang rating ni Roxas bagamat naniniwala akong isa siya sa mga politikong walang bahid dungis.

Sana’y magsilbing inspirasyon ang ginawa ni Roxas sa ibang presidential aspirants ng oposisyon. Sa nangya­yaring “labu-labo” ngayon ng mga opposition presiden­tiables, lalo lamang tumitingkad ang imahe ng mga kan­didatong ito bilang mga “traditional politicians” na atat-na-atat masungkit ang pinakamataas na puwesto ng kapangyarihan.

Kailangang maging discerning ang bawat mambo­botong Pilipino upang kilanlin ang mga kandidatong may tapat na layuning mag­lingkod sa bayan at hindi maglingkod sa kanilang lukbutan.

Kung magkakaroon ng single candidate ang opo­sisyon na sa ngayo’y wa­lang pagkakaisa, ang la­banan sa 2010 ay magiging three-ways: Adminis­tras­yon, opo­sisyon at mga non-traditio­nal, reform or-iented candidates na sa tingin ko’y dapat na ring mag­kaisa at magka­roon ng iisang kandidato lamang.

Dapat na ring seryo­sohin ng bawat Pilipino ang paki­kipaglaban para sa isang pa­mahalaang maka-diyos na hahango sa bansa sa lahat ng proble-ma nito sa kabu­hayan at susugpo sa tala-mak na corruption sa gob­yerno. 

ADMINIS

CLUB FILIPINO

LIBERAL PARTY

NOYNOY

PILIPINO

PRESIDENTE CORAZON AQUINO

ROXAS

SENATOR MAR ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with