^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Payat ang tinapyas sa travel budget

-

KUNG kailan bababa na si President Arroyo  saka lamang tinapyasan ang budget para sa ­pag­bibiyahe sa ibang bansa. Pero sobrang “payat” ang tinapyas sa budget — P500,000 lang ang ibina­was. Ngayong 2009 ang presidential travel budget ay P463.5 million sa susunod na taon ay magiging P463 million na lamang. Sabagay, mabuti na ring nabawasan kahit na P500,000 kaysa naman wala. Kung hindi nabawasan, baka magastos lang kung saan kagaya nang masaganang hapunan na nang­yari noong July 30, 2009 na nagpunta sa United States si President Arroyo at kanyang entourage.

Sa kasalukuyan ay nasa Libya si Mrs. Arroyo at sa kalagitnaan ng Setyembre ay sa Saudi Arabia at sa Britain naman siya nakatakdang magtungo. Uma­no ay magbibiyahe muli siya sa US. Ilan pa umanong bansa ang naka-schedule niyang punta­han bago tuluyang bumaba sa puwesto sa June 30, 2010.

Mula noong 2001 na maupo siya sa puwesto ay nakagawa na ng 50 biyahe si Mrs. Arroyo at bawat biyahe niya ay marami siyang kasamang kaalya­dong mambabatas, mga asawa nito at iba pang kaibigan. Sa huling pagtungo niya sa US ay 65-katao ang kasama niya. Ayon sa isang mambabatas, mula 2003 hanggang 2008 ang nagagastos na ni Mrs. Arroyo at kanyang mga kasama ay umabot na sa P2.7 billion. Iyon ay hanggang 2008 lamang paano kung isasama pa ang malaking gastos ngayong 2009. Kamakailan lamang, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na sumobra ng P1-billion ang expenses sa biyahe ni Mrs. Arroyo. Pero sabi ng Malacañang, wala naman daw masama kung sumobra ang gastos sa biyahe.

Maiisip na kaya sumobra ang gastos ay dahil na rin sa estilo ng pagbibiyahe kung saan ay sa mga mamahaling restaurant kumakain ang entourage. Kagaya ng pagkain sa Le Cirque sa New York kung saan $20,000 (P1-milyon) na ang nagastos at sa Bobby Vans Restaurant sa Washington na $15,000 naman ang nagastos. Marami naman ang hindi naniniwala na ang dalawang kongresistang kasama sa biyahe ang nagbayad sa restaurant.

Nagtapyas na sa travel budget pero masyadong “payat”. Masyadong malaki ang P463 million na travel budget sa 2010. Dapat pa itong bawasan. O di kaya’y limitahan ang pagbibiyahe na tila wala namang naibibigay na pagbuti sa ekonomiya ng bansa. Gamitin na lang sana sa ibang bagay.

vuukle comment

BOBBY VANS RESTAURANT

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

KUNG

LE CIRQUE

MRS. ARROYO

NEW YORK

PERO

PRESIDENT ARROYO

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with