^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura

-

KAWAWA naman ang anim na Cabinet officials ni President Arroyo na ipinakukulong dahil hin­di gumagawa ng hakbang para linisin ang Manila Bay. Ang limang Cabinet secretaries ay si Rolando Andaya ng Budget, Francisco Duque ng DOH, Her­mogenes Ebdane ng DPWH, Jesli Lapus ng DepEd, Ronaldo Puno ng DILG at Arthur Yap ng Agriculture. Ang nagsampa ng reklamo sa Supreme Court ay ang UP professor at environmentalists na si Atty. Antonio Oposa. Si Oposa ay Ramon Magsay­say      Awar­dee ngayong 2009. Nakatakda niyang tang­-gapin ang award sa August 31.

Kung papabor ang Kataastaasang Hukuman sa kahilingan ni Oposa, maaaring ngayon pa lamang magkakaroon ng mga Cabinet official na papasok sa bilangguan dahil sa hindi pag-akto sa utos na lini­sin ang Manila Bay. Bagamat mahirap mangyari, ma­ganda rin namang panggising ang kahilingan ni Opo­sa para kumilos ang iba pang miyembro ng Cabinet at asikasuhin ang lumalalang problema ng Manila Bay na ngayon ay matatawag na dagat ng basura.

Noong Agosto 6, o isang araw makaraang ilibing si dating President Corazon Aquino, isinuak ng Ma­nila Bay ang napakaraming basura sa Roxas Boulevard. Nakasusuka at nakapandidiri ang tana­win. Nagpatintero ang mga sasakyan para mai­wasan ang mga nakakalat na basura — karamihan ay mga plastic bags, botelyang plastic, shampoo sachet, kaha ng sigarilyo at kung anu-ano pang non-biodegradable materials o hindi nabubulok. Ilang taon na ang nakalilipas, sumuka na ang Manila Bay at ilang trak ng basura ang nakuha sa kahabaan ng Roxas Blvd. Nang bumaha sa Maynila noong naka­raang Sabado ng umaga at hindi agad bumaba ang tubig, hinihi­nalang mga basurang plastic ang nakabara sa mga daanan ng tubig.

Dapat panagutin ang mga opisyales na hindi gumaganap ng kanilang tungkulin sa paglilinis hindi lamang ng Manila Bay kundi sa lahat na. Sila ang dapat na manguna subalit dapat din namang ipa­a-lala sa mamamayan na sila man ay may respon­sibilidad din sa problemang ito. Sila ang nagtapon ng mga basura at dapat ding suwetuhin. Dahil sa kawalan nila ng disiplina sa pagtatapon ng basura ay dumumi ang Manila Bay. Siguro dapat ding ipau­nawa ng mga environmentalists na malaki ang kasa­lanan mismo ng mga mamamayang walang disiplina.

vuukle comment

ANTONIO OPOSA

ARTHUR YAP

BAY

FRANCISCO DUQUE

JESLI LAPUS

KATAASTAASANG HUKUMAN

MANILA BAY

NOONG AGOSTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with