^

PSN Opinyon

North Harbor, bakit ngayon lang!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, at may pag-asa ng bumango ang kapaligiran ng North Harbor dahil sa patuloy na modernization program ng mga bright people.

Kung gugunitain ng mga gurang na madlang people na madalas magpunta sa pier noon mga nakaraan dekada napakasama ng amoy sa North Harbor at ang pasilidad todits ay hindi puedeng ipagmalaki sa mga banyagang nakakita sa ating domestic pier.

Dapat ay matagal nang ginawan ng solusyon ang nabubulok at sira-sirang mga pasilidad ng North Harbor na may panahon ding nagpasikat sa ating bansa bilang ‘Pearl of the Orient’ sa dami ng kalakal at negosyong ipinapasok sa Philippines my Philppines.

Matagal ng itinayo ang North Harbor pero alaws pagbabago mula noon masiadong mahabang panahon na ito pero alaws pa rin major improvement.

Mukhang ito na yata ang pinakapangit na puerto. Bukod sa amoy masasang napakapangit pa at siempre napakadumi.

Sangkatutak ang nawalan ng gana sa nasabing pier pero ngayon ibinigay na rin ng Philippine Ports Authority ang proyekto sa pinagsanib na “lakas” ng Metro Pacific Investment ni PLDT chairman, Manny Pangilinan at ang Harbour Center ng pamilya Romero.

Sabi nga, ayos!

Nayari ang opening at acceptance ng bid offer nito lang Huwebes, Agosto 20.

Alam ng madlang people ang tikas at galing ni Mr. Pangilinan pagdating sa negosyo kaya naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, na magiging number 1 ang nasabing lugar kundi magiging 1st class ito sa Asia at sa buong mundo.

Sabi nga, maghintay lang!

Gagawa at makakatulong sa madlang people ang nasabing project because 5,000 workers ang kailangan todits.

Ika nga, laking tulong sa walang trabaho !

Inaprubahang P14.5 billion budget ng Metro Pacific/Harbour Center para sa North Harbor modernization, dapat lang asahan na talaga namang magiging world-class ang serbisyo at mga pasilidad nito.

Sabi nga, wait ang smell este mali see pala !

Sa mga kamoteng kritiko para malamang ninyo may refund pa todits ang PPA na P113 million.

Ika nga, tigil na ang pananabotahe!

Abangan.

NAPOLCOM, sa jueteng

ISANG alyas Mel, katiwaldas este mali katiwala pala dyan daw sa National Police Commission ang sinasabing binigyan ng balbas este basbas pala ng mga bugok na official todits na kolektahin ang ‘intelihensia o tara’ sa mga gambling lord na nagpapasugal ng jueteng.

Ang hindi magbibigay - siempre huli!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinalitan ni Mel ang isang Noel dahil daw sa pangungupit nito ng barya este sa biyaya pala na ibinibigay ngayon ng mga jueteng operator.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit nasama sa listahan ang NAPOLCOM sa panghihingi ng pitsa sa mga jueteng operator.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinaway o tinakot ng bossing ni Mel na sinasabing bugok na official dyan sa NAPOLCOM ang mga foolish cop na kasama sa may ‘tara’ sa mga jueteng operator na iimbestigahan at kakasuhan sila kapag nasama ang kanilang mga pangalan sa ginagawa nilang surveillance laban sa mga kamote.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na tigil sa panghihingi ng intelihensia mula sa mga jueteng operator ang mga lespu dahil sa takot na masabit sila sa sinasabing imbestigasyon ng mga bugok dyan sa NAPOLCOM.

Totoo kaya ito?

Kasama daw ni Mel, kolektor ng NAPOLCOM, si Ogie, kolektor at taga - nguso ng National Bureau of Investigation sa kanilang ‘OPLAN KALABIT - PAHINGI’ sa mga jueteng operator.

Kambiyo issue, nagsasaya naman ang grupo ni Bogart, ang kamag-anak ni ‘puti’ ang influence peddler este mali maim­plu­wensiya pala na tao sa Batangas dahil sa nangyayaring operasyon laban sa jueteng.

Si Bogart, kasama ang dalawang itlog ang binigyan ng basbas na humalili sa mga jueteng gambling lord from Region 1 to 5 kaya naman tuwang - tuwa sila sa galak sa pangyayaring hulihan.

Ang PNP - CIDG, ay umaksyon sa reklamo ng madlang people dyan sa Cagayan regarding sa ‘secret’ jueteng operation ng grupo ni Bogart.

Sabi nga, huli dito, huli doon, kaso dito, kaso doon!

 Congrats PNP - CIDG bossing ‘Castoy’ Castaneda at sa mga ahente mo na hindi nilulubayan ang sugalan dyan sa Cagayan.

Ika nga, palakpakan sila!

Sino si Bogart?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Bogart ay dating leader ng isang notorious group ng mga carnapper sa Philippines my Philippines.

Minalas lang ang pangkat nito ng mahuli ng police force habang kasikatan nila noon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, akulong ang pangkat ni Bogart pero napalaya sa bisa ng pera?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang mga kasabwat ni Bogart sa operasyon ng jueteng ay mga sikat na kriminal naging mga superstar ito noon bago umupo si Prez Gloria Macapagal Arroyo sa tronong naagaw nito kay dating panggulo este mali

Pangulo pala Erap . Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, involved din si Bogart sa operasyon ng ‘rice smuggling’ sa Batangas at iba pang parte ng Philippines my Philippines. bakit mga criminal ngayon ang nasa jueteng operation sa Region 1 to 5?’ tanong ng kuwagong sakristan sa lumang simbahan.

‘Sila kasi ang malalakas ang loob at mga may matitinding koneksyon sa lipunan’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame. ‘paano ngayon ang mga foolish cop kung tinanggalan sila ng pangil sa jueteng operation? ’ Tanong ng kuwagong mangkukulam.

‘Baka sila ang tumira sa mga kamote dahil inagawan sila ng pagkain’

Abangan


BOGART

HARBOUR CENTER

IKA

JUETENG

KUWAGO

LSQUO

NORTH HARBOR

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with