Walang pagbabago
HUWAG nang aasahan na may magandang mangya- yari sa Pilipinas mula ngayon June 30, 2010 na pagtatapos ng term ni President Arroyo. Nasabi ko ito dahil pawang pamumulitika ang inaatupag ng mga opisyal na nakaupo, habang patuloy naman ang pagbibiyahe sa ibang bansa ng presidente at mga kaalyado nito. Wala na silang oras para pagtuunan ng pansin ang maraming problema ng Pilipinas.
Sa tingin ko, hindi makapagbabayad ng mga utang ang Pilipinas kung ganito ang gagawin ng mga namumuno. Ayon sa report, P 4.2 trillion na ang pagkakautang ng bansa sa loob ng siyam na taon na panunungkulan ni Arroyo. Kung ginamit ang malaking halagang ito sa ka-pakanan ng mga mahihirap sa lipunan, baka naibsan ang nararanasang kadahupan ng kanilang pamumu- hay. Sa isang survey kamakailan ng Social Weather Stations (SWS) nadagdagan ang bilang ng mga nagugutom sa nakaraang tatlong buwan.
Kaya hindi masisisi ang nakararami kung bakit nag-pupuyos sa galit sa walang habas na paggastos ng Presidente at kanyang mga kaalyado habang nasa biyahe. Malaki ang nagastos sa hapunan sa New York at Washington, DC noong dumalaw kay US President Obama. Matutuwa ba ang mamamayan kung ang kanilang presidente at mga kaalayado ay milyong piso ang nalalaspag sa isang hapunan lang? Pero katwiran naman ng isang Cabinet man, malaki raw namang pera ang naiuuwi ng Arroyo administration pagkagaling sa biyahe. Malaki ang pasalubong.
Hindi ako kumbinsido. Sa aking palagay, wala. Pansarili lang ang kanilang mga inaatupag. Ngayong papalapit na ang 2010 elections, lalo nang wala nang panahon ang mga pinuno sa kapakanan ng mamamayan. Sarili muna bago ang iba. Porma na muna sa pagtakbo sa 2010.
Sa nakararami, walang pagkakaiba nung unang maupo si GMA hanggang ngayon. Marami pa ring na gugutom, walang trabaho, laganap ang krimen, laganap ang corruption, talamak ang human rights violations, ma gulo pa rin sa Mindanao, patuloy ang jueteng, illegal drugs, illegal logging at pamamayagpag ng smugglers.
Walang pagbabago at naging masama pa.
- Latest
- Trending