^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Wala nang silbi ang pakikipag-usap sa MILF

-

Nalalaman ba ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kahulugan ng sali­tang kapayapaan? Kung nalalaman, bakit patuloy pa rin ang ginagawa nilang mga pagsalakay sa mga kawawang sibilyan? Noong nakaraang taon, sina­lakay ng MILF ang mga kawawang sibilyan sa North Cotabato at sinunog ang may 500 bahay. Pati mga alagang hayop ay hindi pinatawad. Hanggang nga­yon, hindi pa nakababawi ang mga residente sa kapinsalaang ginawa ng MILF. Ang pagsalakay ay pinamunuan ni Kumander Umbra Kato. Madulas si Kato at hindi mahuli ng Armed Forces of the Philippines. Tiyak na naghahanda na naman ng pagsa­lakay si Kato.

Ngayon ay malaking katanungan kung dapat pang ipagpatuloy ang pakikipag-usap para sa kapayapaan sa MILF. Kailangan pa ba ito gayung hindi naman nalalaman ng rebeldeng grupo ang kahulugan ng kapayapaan. Kung alam nila ang ka­hu­lugan ng kapayapaan, hindi sana sila nagsasa­gawa nang pagsalakay at paninira sa mga kawa­wang sibilyan. Ang mga walang laban na sibilyan ang kanilang piniperwisyo.

Kung kami ang tatanungin, hindi na dapat pang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa MILF. Para ano pa? Wala namang silbi ang pakikipag-usap sa ka­nila. Sa nangyaring madugong enkuwentro sa Ba­silan noong nakaraang linggo kung saan 23 sundalo ang napatay at ang iba pa ay sinasabing pinag­tatadtad, sinasabing ang mga gumawa ng pag-ambush ay MILF. Inayudahan ng MILF ang Abu Sayyaf kaya naman maraming sundalo ang napatay.     Maski si Sen. Rodolfo Biazon ay matigas din ang paninin­digan na huwag nang makipag-usap sa MILF. Maski si Sen. Panfilo Lacson ay tutol din sa pakikipag-usap ng gobyerno sa MILF.

Ang dapat gawin ng gobyerno ay buhusan ng pondo ang AFP para naman makabili ng mga mala­la­kas na armas para madurog ang MILF at Sayyaf. Hindi na kailangan pang magpahinay-hinay sa pagkakataong ito na walang awa kung pumatay   ang “magkaibigang MILF at Sayyaf”. Hindi na dapat pang tigilan ang opensiba. Tama na ang pakikipag-usap sa MILF.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

KATO

KUMANDER UMBRA KATO

MASKI

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with