^

PSN Opinyon

Maraming nagugutom, maraming lumalamon

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

HANGGANG ngayon, hindi pa tukoy kung sino ang nagbayad ng pagkaing inorder sa Le Cirque Restaurant sa New York noong July 30 na nagkakahalaga ng $20,000 o P1-milyon. Tinuturo ng Malacañang si Leyte Rep. Martin Romualdez na nagbayad daw pero walang pag-amin sa congressman. Si Romualdez ay laging kasama sa biyahe ni GMA.

Ang pagkaing inorder naman sa Bobby Vans Steak­house sa Washington DC ay inako na ni Quezon Rep. Danilo Suarez. Umabot sa $15,000 ang bill. Si Suarez ay lagi ring kasama ni GMA sa mga biyahe nito.

Sabi ng mga Pinoy dito sa US, hindi sila naniniwala na sina Romualdez at Suarez ang nagbayad. Malamang daw, Malacañang ang talagang nagbayad ng mga masa­sarap na pagkain na kinabibilangan ng lobster, caviar, steak at mga mamahaling alak na nagkaka­halaga uma-no ng $500 isang bote.

Paniwala ko rin naman, Malacañang ang nagbayad sa nilaspag na mamahaling pagkain. Hindi ako naniniwala na magtatapon nang malaking halaga ng pera ang dala­wang mambabatas nang basta-basta na lamang. At kung sila talaga ang gumastos maaaring may malaking dahilan kung bakit nila nagawa iyon. Sabi ni Rep. Suarez, wedding anniversary daw nina GMA at FG kaya siya ang nagbayad sa pagkain. Kailangang tingnan ng BIR kung talagang kayang magbayad nina Romualdez at Suarez nang ganoong kalaking halaga. Kailangang mabulatlat ang katotohanan sa usa­ping ito.

Ang nakalulungkot la­mang, habang kumakain nang masarap ang Presi­dente at mga kasama ha­bang nasa biyahe, mara­ming Pinoy ang dumadaing sa gutom. Yung ginastos sa dalawang kainan ay mara­mi nang almusal, tangha­lian at hapunan sa naghi­hirap na kababayan. Ka­makailan, lumabas sa survey ng SWS na noong Abril, Mayo at Hunyo ay marami ang nakaranas ng gutom. May nagsabi pang isang beses na lamang sila kung kumain sa maghapon.

Akala ko ba ay may kam­panya ang pamahalaan    na magtipid. Sila na rin ang bumabali sa ipinag-uutos?


BOBBY VANS STEAK

DANILO SUAREZ

KAILANGANG

LE CIRQUE RESTAURANT

LEYTE REP

MALACA

MARTIN ROMUALDEZ

NEW YORK

SHY

SUAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with