^

PSN Opinyon

Sa likod ng pagkahuli ni Pia Moran.

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NASA Vallejo City, California U.S.A pa rin ang isang team ng BITAG na kasama ko. Pinaghahandaan na na-min ang isang t.v. special, “BITAG- U.S.A” sa mga susunod na episode.

Ang nakababatang kapatid kong si Erwin ang pan­samantalang nangunguna sa mga operasyon ng BITAG sa Maynila.

Pumutok na sa mga balita, nitong Biyernes ang tat­ long linggong tinatrabaho ng BITAG, isang drug raid ope­ration sa Maligaya Park Subd., Fairview Quezon City.

Kasamang nahuli ang dating aktres na nagnganga­­lang Pia Moran subalit bago pa man tumulak ang aming grupo patungong San Francisco, California noong a-9 ng Agosto, hulog na sa BITAG ng aming surveillance came­ra si Pia Moran, bumibili ng shabu sa isang pusher.

Inilapit ito sa BITAG ng isang tipster nitong nagda-ang buwan ng Hulyo kung saan siya mismo ang aming kina­bitan ng aming surveillance gadget upang mapa­tunayan ang kaniyang sumbong.

Ayon sa tipster na’to na labas-masok sa lugar, hindi lamang si Pia Moran kundi pati ang ilang kilalang tele-vision entertainment personalities partikular sa comedy ang mga parokyano ng shabu..

Isang TV comedian na kilala sa kaniyang palabas na mga “kagaguhan” comedy ang hindi matiyempu-tiyem­puhan ng sa mga araw na pumoste ang aming undercover-tipster sa lugar.

Lumalabas ‘tong kolokoy na comedian sa iba pang mga comedy sitcoms at gag shows.

Dumadami ang mga tips na aming natatanggap sa mga bars sa Quezon City partikular sa Timog Area hinggil sa mga showbiz personalities sa tele­bisyon na gumagamit at nagtutulak din daw ng ecs­tacy.

Ito ang kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng BITAG. Tukoy na rin namin ang mga lugar.

Tiyak, maraming aaray sa kolum kong ito. Ang pinakamasahol na mang­yayari ay ang makitang humahagulgol at umiiyak kapag nahulog sila sa BITAG ng aming surveillance camera dahil hindi namin sila sasantuhin.

vuukle comment

AMING

BITAG

CALIFORNIA U

FAIRVIEW QUEZON CITY

MALIGAYA PARK SUBD

PIA MORAN

QUEZON CITY

SAN FRANCISCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with