^

PSN Opinyon

17 OFWs, inapi sa Kuwait

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay nangilabot sa sinapit ng 17 OFWs na inapi sa Kuwait.

 Sila ay machine operators sa Medco cement and asphalt factory pero hindi umano pinasuweldo mula pa noong Mayo ng kasalukuyang taon. Naubos na ang pera ng naturang OFWs kaya’t wala silang maipambili ng pagkain. Mabuti na lang at maraming kababayang Pinoy na nagbibigay ng pagkain sa kanila, pero kapag wala pang dumarating na tulong ay napipilitan silang manghuli at kumain na lang ng bayawak at iba pang gumagalang hayop sa disyerto ng Sulaibiya para may maipantawid-gutom.

 Bukod dito, sa mga container van sa gitna ng disyerto sila pinatira ng Medco, kung saan ay walang supply ng tubig at air conditioning unit kaya’t tinitiis nila ang init sa naturang lugar na umaabot sa 47 degrees Celsius.

 Dahil hindi nakapagpapadala ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas kaya ang ilan sa kanilang mga anak ay napilitang huminto sa pag-aaral.

 Marami ang nalunos nang napanood nila sa tele­bisyon sa Kuwait ang kalagayan ng naturang mga OFW.

 Si Jinggoy ay nakipagpulong kamakailan kay Admi­nistrator Jennifer Manalili ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Deputy Administrator Hans Cacdac para pag-aralan ang gagawing hakbang upang matulungan ang mga kawawang OFW.

Sinabi ni Jinggoy na dapat i-blacklist ng POEA ang Medco at huwag na itong pa­yagan kailanman na mag-hire ng mangga­gawang Pilipino. Ang kanila namang recruiters na Non-Stop Overseas Employment Agency Corp. at SMA and Achiever Manpower ay dapat aniyang kumilos upang i-repatriate sila pauwi sa bansa.

Sa mga gustong lumi­ham kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer­cito Estrada, ipadala lang ang inyong mga liham sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin po ninyo na hindi tinutugunan ng tanggapan ang mga solicitation letter.

ACHIEVER MANPOWER

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DEPUTY ADMINISTRATOR HANS CACDAC

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JENNIFER MANALILI

LABOR AND EMPLOYMENT

MEDCO

NON-STOP OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY CORP

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with