Pinoy idol
ANG pinakabagong Pinoy Idol, ayon kay former Party List Representative Etta Rosales, ay walang iba kundi si NEDA Director-General Ralph Recto. Ang pagbitiw sa katungkulan, lalo na sa mataas na puwesto sa pamahalaan, ay bagay na hindi ginagawa nang walang magandang dahilan. Nagawa ito ni Recto dahil daw nais niyang paghandaan ang kampanya sa pagka-senador.
Pinagmalaki ni Recto na sa kanyang pag-resign ay sinusuko niya ang lahat ng benepisyo ng puwesto. Matatanggalan siya ng entablado kung saan siya makikita at ng trompa na magpa pasiguro na ang boses niya’y napapakinggan. Para sa isang nais tumakbo, ang laking lamang ng ganito kalaking Kagawaran. Subalit dahil ayaw masabihang nananamantala, tinalikuran ni Recto ang tukso at naging tapat sa sinumpaan. Sabi niya, “NEDA is a full-time work. It’s unfair for the institution, unfair for the people” kung siya’y magpatuloy pa sa puwesto.
Ang haka-haka ay iba. Casualty daw siya sa banggaan nila ni Sec. Angelo Reyes at nang malalaking kompanya ng langis nang kinuwestiyon ang pagtataas ng oil prices. Naging matunog din ang pagtutol ni Recto sa Laiban Dam Project na tinawag niyang illegal at immoral. Inayunan man siya o pinahiya ng Malacañang, dapat pa rin kilalanin ang higanteng hakbang ng kanyang pagbitiw.
Kung kay JPE lang, no need to resign nang maaga kapag tatakbo ka. Hindi daw pagmamalabis ang pananatili sa puwesto kahit pa deklarado nang kandidato. Tutal, sobra-sobra na rin ang mga batas na puproteksyon sa bayan laban sa pang-aabuso. Sabi ng presidente ng Senado. Ang problema, kailan pa naipatupad ang mga batas tungkol sa fair elections? Dami-dami nating batas, hindi naman naipapatupad. Nito lang nakaraang linggo, nakakailang Puno, Duque, Genuino, Noli, Syjuco, at Bayani infomercials na tayo?
Bigla ngayong natukoy ang mga iba pang opisyal ng pamahalaan na nag-aambisyon sa 2010. Mag-aala Recto ba o kapit pa rin ang Rectum sa upuan hanggang Nobyembre? Ito’y katanungang hindi lang para sa kanila. Tanong din ito na kailangang sagutin ng madla sa pagpili ng mga opisyal na karapat-dapat.
SENATOR RALPH RECTO GRADE: MAY DELIKADESA
- Latest
- Trending