^

PSN Opinyon

10 pinaka-dukhang pook may sigalot

SAPOL - Jarius Bondoc -

KABILANG ang limang probinsiya ng Autonomous Region  for Muslim Mindanao sa10 kulelat na probinsiya sa Pilipinas. Ito’y batay sa kita ng mamamayan doon, haba ng buhay, antas ng edukasyon at bilang ng nag-aaral, ayon sa Philippine Human Development Report 2008-2009.

Kabilang sa 10 kulelat ay pitong probinsiya sa Min­da-nao. Lima ay sa ARMM: Sulu na pinaka-kulelat, kasu­nod ang Tawi-Tawi, Maguindanao, Basilan at Lanao del Sur. Ang dala­wa pa sa Mindanao ay Zamboanga del Norte at Sa­rangani.

Kasama rin sa 10 kulelat ang Rombon at Masbate sa Luzon, at Eastern Samar sa Visayas. (Dapat batiin ang Surigao del Sur, Agusan del Sur at Northern Samar sa pag-graduate mula sa 10 kulelat nu’ng 2003.)

Kulelat ang 10 hindi lang dahil sa kahirapan. Doon din pina-ka-malala ang kawalan ng katarungang panlipunan, at talagang pinagkaitan ng mga oportunidad para umun­lad. Kung tutuusin nga, karamihan sa 10 kulelat ay niyu­yugyog ng dig­ maan — ng mga separatistang Moro at rebeldeng komu­-    nista. Nababalot ang mga mamamayan doon sa labis na kaka­pusan ng kita, kakulangan ng kagamitan para sa disen­teng buhay, at kawa­lan ng oportunidad para umasenso.

Samantala, pawang sa Luzon ang sampung pinaka-angat na probinsiya. Pinaka-masisigla ang kabuhayan at komunidad sa Bataan, Benguet, Cavite at Rizal. Kasunod na ang Batanes, Ilocos Norte, Laguna, La Union, Nueva Vizcaya at Pampanga. Ito rin ang mga 10 pinaka-angat nu’ng 2005.

Nakakagulat ang Benguet. Malaki ang indigenous popu-lation nito, pero mataas din ang antas ng edu­kas­yon ng mama­mayan. Sa katabing probinsiya ng Ifu­ gao, kabaliktaran, kaya kasama ito sa mga kulelat nung 2003. Kakaiba rin ang Bata­nes. Binubuo ito ng mga islang napupun­tahan lang ng eroplano o bangka mula Ilocos Norte at Cagayan. Malimit daa­nan ng bagyo. Ganun­paman masagana ang pamumuhay ng mama­mayan.

AUTONOMOUS REGION

BENGUET

EASTERN SAMAR

ILOCOS NORTE

KULELAT

LA UNION

LUZON

MUSLIM MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with