^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pati National Artists award, nangamoy na

-

K AKAHIYA na ang nangyayaring kontrobersiya ngayon sa paraan ng pagpili sa National Artists’ Award. Paano’y nahaluan na ng mga pagdududa kung dapat nga ba o di dapat ang mga napili para maging National Artists’. Ngayon lamang nangyari na ang mga pinili ay binabatikos at pinag-rarali pa. Nakakahiya talaga na ang isang pinili ay binabato ng mga batikos sapagkat may mga pagdududa sa paraan ng pagpili.

Kahapon, nagsagawa ng motorcade mula Cultural Center of the Philippines (CCP) patungo sa tanggapan ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) sa Intramuros ang mga bumabatikos sa mga bagong hirang na National Artists na kina­bibilangan ni Cecille Guidote-Alvarez at Carlo Capa­ras. Si Alvarez ay hinirang bilang National Artist para sa Theater at si Caparas bilang National Artist para sa Film at Visual Arts. Si Alvarez ang kasalukuyang namumuno sa NCCA at presidential adviser on culture. Bukod kay Alvarez at Caparas, nahirang din si Pitoy Moreno bilang National Artist for Fashion at Francisco Mañoza para sa Architecture. Ayon sa mga kritiko, apat na pangalan lamang ang inireko­menda ng komite — sina Lazaro Francisco para sa Literature, Manuel Conde para sa Film, Federico Aguilar Alcuaz para sa Visual Arts at Ramon Santos para sa Music. Pero nagulat ang komite nang isingit ang pangalan nina Alvarez, Caparas, Moreno at Mañoza at inalis ang pangalan ni Santos.

Mataas ang pagtingin sa mga taong nagawaran na ng award bilang National Artist. Mababanggit sina Carlos “Botong” Francisco, Alejandro Roces at iba pa. Hindi matatawaran ang kanilang nalala-man at kakayahan. Nakapag-ambag sila nang mala­king tulong sa sining at kulturang Pilipino. Piling-pili sila at walang makakakuwestiyon sa kanilang kakaya­han. Pero sa nangyayari ngayon na kinuku­westiyon ang pamamaraan ng pagbibigay ng award sa apat na indibidwal na tila nagkaroon ng “dagdag-bawas” hindi ito maganda. Hindi nararapat ang ganitong kalakaran.

Masarap namnamin ang natanggap na karanga­lan kung walang kontrobersiya. Magandang ipag­malaki ang natanggap na karangalan na wala ni isa mang bumabatikos at nagdududa. Nararapat na malaman ang tunay na dahilan kung bakit bumantot ang National Artists’ awards.

ALEJANDRO ROCES

CAPARAS

NATIONAL

NATIONAL ARTIST

NATIONAL ARTISTS

PARA

SHY

SI ALVAREZ

VISUAL ARTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with