^

PSN Opinyon

Pagkakaibigan ng 2 bantog na tenors

SAPOL - Jarius Bondoc -

TATLONG tenors na madalas nagsasama sa concert — Luciano Pavarotti, Placido Domingo at José Carre­ras — ang naghahari sa mundo ng musika. Pero hindi dati gan’un. May kakaibang istorya sila.

Sa Spain matindi ang away ng mga Catalanes, na nais kumawala sa saklaw ng Madrileños. Marami nang napatay sa hangad na awtonomiya ng Cataluña, at pag­kontra ng Madrid. Nagkataong Madrileño si Domingo, at Catalan si Carreras. Sa tindi ng pulitika naging magka­away sila nu’ng 1984. At dahil kapwa sila sikat, kaya nilang isingit sa kontrata na aawit sila sa kundisyong wala          ang isa.

Nu’ng 1987 nakatapat si Carreras ng mas matinding kaaway: Leukemia. Magastos at masakit ang buwanang bone marrow transplants at blood transfusions sa USA. Hindi makapag-trabaho si Carreras, nasimot ang inipon. Mawawalan na siya ng pag-asa nang matuklasan ang foundation sa Madrid na tumutustos ng pagpapagamot sa mga leukemic. Salamat sa tulong ng Hermosa Foundation, nagapi ni Carreras ang sakit. Nakabalik siya sa pag-awit at sa dating kasikatan.

Bilang pagpapasalamat, pinasya ni Carreras suma- pi sa foundation. Laking gulat niyang malaman, nang    bina­basa ang by-laws, na ang founder at pinaka-mala-king tagapondo pala nito ay si Domingo. Nabalitaan din niya na sadyang tinatag ni Domingo ang foundation para tulu­ngan siya. Pero itinago ito sa kanya para hindi siya mag-atubiling magpagamot.

Mas nakakaluha ay nu’ng sa wakas ay mag-enku­wentro sila sa concert ni Domingo. Ginulat ni Carreras ang umaawit na si Domingo nang umakyat siya sa enta­blado, lumuhod, humingi ng tawad at labis na nagpa-sa­lamat. Itinayo siya ni Domingo at niyakap. At doon nagsimula ang matinding pagkakaibigan, pagma­mahalan, at pagtutulungan.

Minsan tinanong ng reporter si Domingo kung bakit niya pinagamot ang kaaway at kaisa-isang karibal sa kasikatan sa Spain. Simple’t direkta ang sagot niya: Malaking kawalan sa atin ang tinig na kagaya niyan.”

CARRERAS

DOMINGO

HERMOSA FOUNDATION

LUCIANO PAVAROTTI

NAGKATAONG MADRILE

PERO

PLACIDO DOMINGO

SA SPAIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with