Health or stealth?
Scenario: Matrona, sasailalim ng surgery upang i-repair ang nag-leak na silicone implant. Eksena sa Operating Room: 5-4-3-2-1, general anesthesia. Sa loob ng ilang oras ay gigising. Groggy, wala sa sarili, inutil.
Karaniwan ang ganito sa mga corrective surgeries. Walang ikababahala – hindi dapat pag-aksayahan ng pag-alala. Ngunit papaano kung hindi karaniwan ang katauhan ng Matronang sasailalim sa ganitong surgery? Paano kung ang pangalan ng pasyente ay Gloria Macapagal Arroyo?
Ito ang naging puno’t dulo ng huling round ng storytelling-a-lie na nanggaling sa Palasyo. Inanunsyong pre-emptive A(H1N1) self-quarantine ang confinement ni Mrs. Arroyo – bunga ng kanyang social responsibility. Iyon pala’y nagpaayos nga, nagpa-laser removal din ng body hair at nagpa-biopsy ng mga bukol sa katawan
Karapatan ng bansang masabihan ng tunay na estado ng kalusugan ng Presidente sa lahat ng oras. Walang batas na nagsasaad nito. At kung Saligang Batas mismo ang halukayin, pinag-uusapan lamang dito ang “serious illness” ng Presidente. Subalit malala man o hindi, ang sakit o karamdaman ng Presidente ay dama ng lahat ng Pilipino. Dahil apektado nito ang kahandaan at kakaya-han niyang mamuno.
Scenario: Pinatulog na si Gng. Arroyo. Madaling-araw. Ilang oras din ang operasyon. Gigising ng hilong-hilo. Bugbog na bugbog. Pagdating ng gabi, saka lang babalik ng buo ang kanyang malay. Kinabukasan pa magiging alerto. Question: sa loob ng isang araw na ito, sino ang gaganap ng katungkulan bilang Presidente? Sino ang magdedesisyong ilabas ang mga hukbo sakaling binomba tayo ng China dahil sa Spratlys o may magtangkang mag-kudeta? Sino ang magdedesisyon sa pagsugpo sa A(H1N1) sakaling magkaroon ng general outbreak? Paano ito magagawa ng isang Presidenteng walang malay? Ligal bang iwan ang diskresyong maka-pagdesisyon sa mga Gabineteng hindi inihalal ng tao?
Hindi hysteria ang mga warning ng ating mga senior statesman na karapatan ng publikong malaman kung anuman ang nangyayari sa kalusugan ng Presidente. Hindi naman hinihiling na tuwinang magbigay ng update sa publi-ko, kay may sakit o wala. Sana lang na kapag tamaan ng sakit – lalo na yung may kakailanganing confinement o surgery – ay tigilan na ang storytelling-a-lie. The people do not just have the right to know this information. The people deserve to know the truth.
- Latest
- Trending