^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bagsikan pa ng PDEA ang kampanya vs droga

-

LAGING sinasabi ng Philippine Drug Enforce-ment Agency (PDEA) na pilay na ang mga nagma-manufacture ng illegal drugs sa bansa lalo na ang shabu subalit kung oobserbahan ang mga nangya­yari sa kasalukuyan, tila walang ka­totohanan ang kanilang sinasabi. Paano’y lalo pang naging agre­sibo ang mga gumagawa ng shabu at nagtayo pa ng mga laboratoryo — may laboratoryo sa Para­ñaque, Quezon City, Valenzuela City at Maynila.

Hindi tumitigil ang mga gumagawa ng shabu na karaniwang mga Chinese. Halos lahat ng mga na­arestong gumagawa ng shabu ay mga Chinese. Marami nang nakakulong na Chinese subalit wala pa ring kadala-dala at pagkatakot ang iba pa. Maaa­ring magsikip ang bilangguan dahil sa mga Chinese na ikinukulong dahil sa paggawa ng shabu. Kung hindi inabolished ang parusang kamatayan, maaa­ring hindi magsisikip ang mga bilangguan sapagkat tuturukan na lamang nang tuturukan ang mga Chinese na mahuhuli sa shabu.

Sa raid na isinagawa noong nakaraang Huwe-bes sa Quezon City, isang Chinese ang nadakip at inamin nito na marami siyang shabu labs sa Metro Manila. Meron din siyang laboratoryo sa Cotabato City at iba pang probinsiya. Pawang mga Pinoy ang kanyang tauhan. Ang Chinese na nagngangalang Peter Chou ay “master chemist” ng “Tiger Group of the Chinese Triad”. Ayon sa mga pulis kayang gumawa ni Chou ng tatlong kilong shabu sa isang araw. Suma total, nakagagawa siya ng 90 kilos ng shabu sa isang buwan. Ang halaga ng shabu na napo-produce bawat buwan ay nagkakahalaga ng P1 bilyon.

Wala nang takot ang mga Chinese na magtu-ngo rito sa Pilipinas at dito gumawa ng shabu sa­pagkat malambot ang batas dito. May mga ala­gad ng batas dito na maaaring tapalan ng pera at presto, maaari nang makatakas gaya ng nang­yari sa Camp Crame noon na dalawang drug traffickers ang nakatakas.

Malaki ang aming tiwala sa PDEA na kaya nilang lupigin ang mga salot na gumagawa ng shabu. Sana bagsikan pa nila ang paghahanap at pagtugis sa mga ito at nang mawala na ang problema.

vuukle comment

ANG CHINESE

CAMP CRAME

CHINESE

COTABATO CITY

METRO MANILA

PETER CHOU

QUEZON CITY

SHABU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with