The next battleground
Pastoral statement na ang katapat ngayon ng Konseho ng Maynila laban sa ipinasang Ordinance 8187 sa Pandacan Oil Depot. Mismong si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang mangunguna sa isang signature campaign na bahagi ng planong People’s Initiative upang amyendahan ang nasabing Ordinansa.
Ang People’s initiative ay isa sa mga pagbabagong hatid ng 1987 Constitution na kumikilala sa patakarang: “Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.” Sa R.A. 6735, pinatotohanan ng Kongreso ang karapatan ng taumbayan na magpanukala ng direktang amyenda sa mga ordinansang ipinapasa ng kanilang mga sanggunian.
May laya mang subukan ng mga residente ng Maynila ang ganitong paraan ng pakikilahok sa pamamahala, sana’y malinawan muna nila ang mga isyu na kanilang haharapin. Una: Mali daw ang Konseho sa ginawa nitong pagbigay permiso sa Oil Depot sa kabila ng naunang desisyon ng Mataas na Hukuman na kumumpirma sa dating ordinansang nagpapatanggal dito. Ang sagot dito ay simple. Kung ito ang paniwala ng bagong Konseho, hindi paglabag sa batas ang ginawa nilang pagbabago ng isip.
Bilang kinatawan ng mga residenteng bumoto sa kanila, ang kanilang boto sa Konseho ay tinuturing na boto rin ng kanilang kinasasakupan. Ganitong kabigat na timbang ang binibigay sa kanilang desisyon dahil sa katotohanang wala nang iba pang representante ang mas nakakaalam ng sentimyento ng taong bayan. Kaya kesyo sumasang-ayon o hindi sa kanilang ipinasa, kapag pasado na – iyon na yun.
Pangalawa: Sa kabilang panig naman – bukambibig ng ilang konsehal na napakalaki ng mawawala sa Lungsod kapag tinanggal ang Depot. Maaring tutoo ang argumento kung trabaho ang pinag-uusapan. Subalit kung kontribusyon sa pamamagitan ng pagbayad ng buwis ang batayan – walang maipagmamalaki ang mga Kompanyang ito dahil mula nang nagumpisa sila ng operasyon, nilabanan nila lahat ng hakbang ng pamahalaang lungsod na kumolekta ng business tax upang makibahagi ang Maynila sa kanilang kinikita.
Anuman ang ipinasa ng Konseho, dapat lang na han da silang ipagtanggol ang kanilang desisyon sa harap ng gagawing peo-ple’s initiative. Malaking bagay ito tungo sa mas magandang pag-unawa ng bayan sa lahat ng panig ng usaping Oil Depot at pati na rin sa direct democracy na hatid ng People’s Initiative.
- Latest
- Trending