Honesty is a rare virtue
Ang sabi ni Billy Joel sa awiting Honesty: Ang katapatan daw ay isang malungkot na kataga dahil bawat isa ay hindi tapat. Let us not talk about honesty alone but righteousness in general. Ang mabuting pamahalaan ay kailangang nakatatag sa pundasyon ng katuwiran at hustisya.
Laganap ngayon ang kasamaan sa pamahalaan at buong lipunan dahil maraming tao ang lumihis mula sa daang matuwid. And I’m not talking about religion here. May mga taong hindi naniniwala sa Diyos pero tumu-tunton sa mga prinsipyong matuwid gaya ng katapa- tan at pagmamahal sa kapwa-tao. Kabalintunaan na marami ang nagsasabing naniniwala sila sa Diyos pero sila naman ang mga hindi mapagkakatiwalaan. Mga magnanakaw. Mga sinungaling. “Dekorasyon” lang sa kanilang labi ang relihiyon. Nalalathala sa diyaryo at napapanood sa TV na taimtim kung sila’y manalangin pero ang gawa nila’y nakaririmarim.
Ang kailangan natin ay maging maka-diyos hindi lang sa nguso kundi sa ating mga puso. Maraming lisyang tao ang nasa rurok pa ng kapangyarihan sa ating pamahalaan. Dahil sa kanilang pagkaganid sa kapangyarihan at kayamanan, ang taumbayan ang pinahihirapan at napagkakaitan ng kailangang hustisya. Dumarami ang nagugutom at namamatay na lang sa karamdaman dahil sa kakapusan ng pondo na nabubuslo sa bulsa ng mga limatik sa pamahalaan.
Malungkot isipin na may panahon sa kasaysayan nang ang Pilipinas ay mayaman pa kaysa Japan. Dito sa Pilipinas nagsisipag-aral ang mga kabataan mula sa ibang bansa sa Asya at tayo’y tinitingala at iginagalang bilang bansa. Nanumbalik ang sitwasyon nang dumami ang mga gahamang nanunungkulan sa pamahalaan. Sabi nga sa banal na salita ng Diyos: “Righteousness exalts a nation but sin is a reproach to all people.” Kapag namamahala ang isang leader na matuwid at may pitagan sa Diyos, maayos ang takbo ng lahat at nadarama ang pagpapala ng Diyos. Ngunit kapag ang mga makasarili ang namamahala sa bansa, nadarama ng lahat ang ngitngit ng Diyos.
Sabi ng iba, huwag payagan ang mga taong matutuwid lalu na ang mga pastor at pari na sumangkot sa pulitika at ipaubaya na lang sa mga pulitiko ang pagpapatakbo ng bansa. Sila rin daw ay madudungisan kapag nasok sa pulitika. Maling-mali ang pananaw. Ang tunay na matuwid ay hindi mababaluktot ng buktot na sistema.
Nasubukan na natin halos lahat ng klase ng pulitiko para mamuno sa bansa pero umiigi ba ang kalagayan natin? Hindi, bagkus ay lalung sumasahol. Ang ikabubuti ng bansa ay nasa ating mga palad.
Kung lalung naghihi- rap ang bansa dahil sa masamang pamahalaan, huwag na tayong mag-aklas at magalit sa nanunungkulan dahil walang ibang masisisi kundi tayong mga taong naghalal sa kanila.
- Latest
- Trending