^

PSN Opinyon

Eclampsia

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Ang eclampsia ay convulsion na nangyayari sa panahon ng pagbubuntis kung saan apektado ang cardiovascular system. Ang unang warning sign ng eclampsia ay ang pagtaas ng presyon ng dugo, pananakit ng ulo at ang pama­maga o pamumula ng sakong. Ang hindi maipali­wanag na pagbigat ng timbang habang buntis ay isa rin sa mga palatandaan ng eclampsia. Ang mga condition ay makukumpirma dahil sa presensiya ng protein sa ihi. Ang condition ay karaniwang nadidiskubre kapag ang ina ay nasa early stages na ng sakit, kaya ito ay tinatawag na pre-eclampsia.

Ang pamamahinga ay nararapat sa isang buntis at dapat na mamonitor ang fetus. Kapag grabe ang condition, kailangan na ang emergency Ceasarian section.

Ang dahilan ng eclampsia ay hindi maipaliwanag    suba­lit karaniwan itong nangyayari unang pagbubuntis o di naman kaya, matanda na ang ina, mataba, dating mataas ang blood pressue o merong diabetes o kaya’y kambal ang kanyang ipapanganak.

Wala naman daw kinalaman ang sinasabing nama­mana ang ganitong sakit subalit dapat na ring ipagtapat ng pasyenteng buntis sa kanyang doctor ang history ng kanyang pamilya.

Hindi nagre-respond ang eclampsia sa mga gamot na nag-aalis ng sobrang liquid at asin mula sa katawan kaya inihikayat ang kababayan na magtake ng normal salt diet at uminom nang maraming tubig.

Ang grabeng complication ng eclampsia ay ang pag­baba ng platelet count ng dugo, pagkasira ng atay at ang pagbaba ng red blood cells. Kung mangyayari ang ganito, karaniwang ginagawa ay isailalim sa Caesarian section ang pasyente.

May pangyayari na naga­ganap ang eclampsia ilang araw makalipas ang panga­nganak kaya ang mga doctor ay imino-monitor ang ka­lagayan ng pas­yente hang­ gang sa ang kon­disyon ay mag-improved. Maski na­ka­­uwi na sa bahay ang pas­yente nararapat ang medication para makontrol ang blood pressure. Ang regular check-up ay kinaka­ila­ngan sa mga susunod na buwan.


vuukle comment

BLOOD

BUNTIS

CEASARIAN

ECLAMPSIA

KAPAG

KAYA

MASKI

SHY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with