Ikasiyam na pagsalakay sa 2009!

Hindi pa man nakakahinga ang Philippine National Police sa sunud-sunod na pag-atake ng Alvin Flores Group, tumira na naman ito nitong a-9 ng Hunyo sa Union Bank, Amorsolo Makati.

Masyado nang nagiging bulgar at daring ang pam­bibiktima ng grupo dahil wala na itong pinipiling lugar, pagkakataon at oras.

Ito ang kanilang ikasiyam na panloloob sa loob lamang ng tatlong buwan. Kung titingnan sa kanilang sunud-sunod na panloloob, pawang isinasagawa nila ang modus in broad daylight.

Matatandaan ang Union Bank, Caloocan na kanilang sinalakay nitong Mayo 30 na napurnada dahil sa mga nanlabang security guards ng banko.

Kakikitaan ng kadesperaduhang makakuha ng pera ang mga ito, dahil sa pumalpak sa nasabing bangko, ang katabing gasoline station nito ang pinagdiskitahan kung saan nakakuha sila ng tatlumpung libong piso.

Ayon kay Northern Police District Director Samuel Pagdilao, kasama sa pagiging garapal ng grupo ang pag­gamit ng mga uniporme ng ating mga alagad ng batas.

Napakadali lamang daw pekein at gayahin ng kani-lang uniporme. Kaya naman, may mga pinaghahandaan nang safety measures and precautions ang NPD upang hindi malinlang ang bawat establisyamento sa mga nagpapanggap na pulis.

May ilang guidelines na ring itinalaga para sa ilang kapulisan kung kailan lamang gagamitin ang ilang es­pesyal nilang uniporme.

Binabalaan din ang ilan na huwag makipag­tran­sak­siyon sa mga pulis na wa­lang patrol cars, mahirap na raw at imposibleng gaya-   hin pa ang mga mobile    patrol cars ng kapulisan.

Mapapanood sa BI-TAG ang mga exclusive     vi­deos ng mga heist na     isi­nagawa ng kilabot na Alvin Flores robbery syn-dicate sa Union Bank Ca- lo­ocan no­ong Mayo a-30 at sa Union Bank nitong Hunyo 9 sa Amorsolo, Ma­kati.

Abangan at mukhaan ang bawat miyembro ng sindikato upang maging kapaki-pakinabang na ma­mamayan sa pagbibigay ng impormasyon sa notor­yus na grupong ito.

Eksklusibo, ngayong Sabado ng gabi sa BITAG.


Show comments