Amoy putik

May dalwang nagtalik sa loob ng kwarto

Itoy tagung-tago sa lahat ng tao;

Pero ang nangyari ay nakita ito

Di lang ng iilan kundi buong mundo!

Nakakita rito’y maraming-marami

Kaya eskandalo at isyung malaki;

Ngayo’y buong mundo ang umaaglahi

Ang lahat ng Pinoy nag-amoy pusali!

Ang p;itak na ito’y lagi nang salungat

Sa mga gawaing di karapat-dapat;

At sa isyung ito ng sex na nabunyag

Kamalian dito’y huhusgahan agad!

At para sa ating mga kababayan –

Ang nangyaring ito’y di dapat tularan;

Ang maysala rito ay kapanahunang

Masyadong moderno saka lapastangan!

Sino’ng lapastangan sa nangyaring ito?

Panahon ng IT at imbens’yong bago;

Gayundin ang taong sa lama’y demonyo

Nangasarapan na’y kumita sa video!

Ang sekretong kaso ay naging sensasyon

Lubhang malaki na ang ngayo’y proportion;

Nagsisiyasat na ang maraming sector

Nakisawsaw na rin ang mga senador!

Sa sistemang ito’y mababang-mababa

Ang tingin sa Pinoy ng maraming bansa;

May mga babaeng malakas kumita

Kapag binababoy ang katawan nila!

Ang mga lalake’y parang mga manyak

Sa mga babae ay palipat-lipat;

Ang gusto’y matikman iba’t ibang sarap –

Sa mga asawa’y wala nang matapat!

Kaya ang sex video’ng pinatatalunan

Computer internet ang pinagsimulan;

At sa mga taong sa pera’y gahaman –

Lahat ng maysala’y dapat parusahan!


Show comments