^

PSN Opinyon

Tatsulok ang Panginoon Santisima Trinidad

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Ka­para noong unang-una ngayon at magpasa walang hang­gan, Amen. Maging si Jesus sa kanyang huling pama­maalam sa mundo ay magsabi: “Lahat ng kapang­yarihan ay ibinigay sa akin sa langit at sa lupa. Humayo kayo at gawing alagad ang sandaigdigan. Binyagan sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”

Ating ipinagdiriwang ngayon ang kapistahan at kada­kilaan ng Santisima Trinidad. Ang ating pananampalataya na iisa ang Diyos na binubuo ng tatlong persona o kaug­nayan na Ama, Anak at Espiritu Santo. At ang lagi kong paliwanag at madaling maintindihan maging mga ma-      liliit na bata na ang tatsulok ay iisa na binubuo ng tat-long sulok. Sa kasalukuyan ay marami pa ding ibang relihiyon o pananampalataya na ayaw maniwala sa ipi­­nangangaral nating mga Kristiyano. Sa English ito ang Most Holy Trinity.

Maging sa Lumang Tipan sa aklat ng Deutoronemo ay ipinahayag sa mga Israelita na mula nang likhain ng Diyos ang daigdig ay nagsalita na Siya sa gitna ng Apoy. Ang kadakilaan ng Panginoon sa Kanyang paglikha at nakaraan. Maging sa aklat para sa mga Romano ay ipina­ha­yag sa atin na ang mga pinamumunuan ng Espiritu Santo ay mga anak ng Diyos. Tinanggap natin ang Espiritu na kumupkop sa atin. Kaya lagi tayong nagpupuri: Abba, Ama!

Tayo ay tagapagmana ng Diyos kasama ni Jesus, na kung sasamahan natin siya sa kanyang pagtitiiis para sa atin, tayo ay magiging ka­puri-puri na kasama si Je­sus. Itinagubilin ni Jesus: “Ituro sa kanila ang lahat ng bagay na itinuro ko sa inyo at ako’y laging kasama ninyo hang­gang sa wakas ng panahon!

Kinalakhan ko na para ba akong merong automa­tic prayer to the Lord. Sini­simulan ko ito ng panala­nging itinuro ni Jesus ang Ama Namin. Susundan ito ng Aba Ginoong Maria at magtatapos sa Luwalhati sa Ama. Napagnilay ko na ang aking panalangin ay nagsisimula sa itinuro sa atin ni Jesus, ang ating pag­pupuri at pasasalamat sa Diyos Ama; paghingi ng Kanyang Awa at Biyaya; paghingi ng tawad sa ating mga nagawang kasala- nan at tayo rin ay matutong mag­patawad sa mga nag­kasala sa atin.

Sinusundan ko ito ng pagbati kay Maria na ating Ina na ibinigay ni Jesus upang humingi sa kanya ng tulong. At sa laki ng pag-ibig ni Jesus sa kanyang Ina ay hindi Niya ito matanggihan sa ating pananalangin sa Diyos. Ikatlo at higit sa lahat ay ang aking pagpupuri sa tatsulok ng Diyos sa ating buhay. At habang ako ay naglalagay ng kalasag sa aking buhay na nagliligtas sa akin sa masama, ang tanda ng krus ay sinasabi ko at sinasabi nating lahat: Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ang Espiritu Santo. Amen!

Dt 4:32-34, 39-40; Salmo 33; Rom 8:14-17 at Mt 28:16-20


ABA GINOONG MARIA

AMA

AMA NAMIN

ANAK

ATING

DIYOS

ESPIRITU SANTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with