^

PSN Opinyon

Panagutin ang dapat managot

- Al G. Pedroche -

NAGDEMANDAHAN pala ang Government Service Insurance System (GSIS) at IBM Philippines. Ang dahi­lan ay ang pumalpak na data base system ng IBM sa GSIS. Kaya idinemanda ng GSIS ang IBM at ang business partner nitong Questronix.

Dahil sa ipinalabas na open letter sa mga pahayagan ng GSIS kaugnay ng depektibong sistema ng IBM, ang IBM ay nagsampa rin ng kasong libel laban sa GSIS. Pero ayon sa legal counsel ng GSIS na si Atty. Elamparo, handa nilang harapin ang demandang ito.

Nahihirapan daw ang GSIS sa pagproseso ng mga claims ng mga members bunga ng malfunction ng computer system nito na ang dapat managot ay ang IBM.

Di siguro dapat magbalat-sibuyas ang IBM. Imbes na demanda ay aksyunan ang problema. Kung aling kom­panya ang naglagay ng palpak na sistema ay si-    yang dapat managot.

Hindi naman isyu kung sa authorized dealer ng IBM binili ang palpak na computer. Dahil sa dealer mo man dalhin ang computer para kumpunihin, sagutin pa rin iyan ng IBM, lalo na pag under warranty pa.

Ganyan kasimple ang usapin sa pagitan ng GSIS at ng IBM at ng dealer ng IBM na Questronix. Ang pi­ nag­kaiba lang ay bilyong-piso ang halaga ng palpak na computer software na ibinenta ng IBM sa GSIS sa pama­magitan ng dealer nitong Questronix.

Ang sinisisi ng Questronix ay ang GSIS na hindi raw tama ang paggamit sa software. Kesyo hindi raw nag-invest ang GSIS sa isang backup system kung kaya nag-crash ito.

Ngunit sa May 15 letter ni Questronix director Bert Bar­tolome inamin niya na depektibo talaga ang naturang IBM software.Ano iyan, gustong bawiin ni Bartolome ang sinabi niya? Malas niya porke ang sulat niya ay bahagi ng documentary evidence ng GSIS laban sa IBM at Questronix.

Sa sulat ni Bartolome, inamin mismo ng Ontario laboratory ng IBM na may problema ang software sa paghandle ng malalaking datos at kumbaga’y na­bubulunan ito. Sabi ng IBM Ontario ay sa IBM mangga­galing ang solus­yon, isang pag-amin na nasa IBM ang problema.

Tila sinisisi ng ang lahat maliban sa sarili. Hindi ma­tinong gawain iyan para lamang mapagtakpan ang responsibilidad sa isang malaking customer tulad ng GSIS. Ang DB2 raw ay bahagi lang ng GSIS system kung kaya hindi pwe­deng sisihin sa crash nito noong Abril at Mayo.

Respetado at malaking kompanya ang IBM at pa­ngit tingnan ang paghu­hugas kamay nito sa pro­blema na taumbayan ang nagdurusa.

ABRIL

BARTOLOME

BERT BAR

DAHIL

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

IBM

QUESTRONIX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with