^

PSN Opinyon

Muslims for Bro Eddie!

- Al G. Pedroche -

ISANG grupong Muslim ang humihimok kay JIL leader (on leave) Bro. Eddie Villanueva na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2010. Wala umano silang makitang mas karapatdapat sa pinakamataas na posisyon ng pamu­muno sa bansa sa mga naghahayag kumandidato ngayon.

Dalawang oras nakipagpulong si Bro. Eddie sa mga Muslim leaders mula sa iba’t ibang sector kasama ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Martes. Pinangungunahan ngayon ni Bro. Eddie ang isang advocacy group (Bagong Pilipinas, Bagong Pilipino Movement) na naglalayong itaguyod ang righteous governance sa bansa. Ngunit wala pang ipinapahayag hinggil sa intensyong kumandidato. Sa palagay ko, gusto muna ni Bro. Eddie na makita ang public clamor na magiging kumpirmasyon ng isang propesiya kamakailan na siya ay maitatalagang Pangulo ng bansa.

Abala muna sa ngayon si Bro. Eddie sa pambansang advocacy para magkaroon ng maayos at wastong pag-pili ng mga kandidato sa darating na halalan sa isang taon. Nang makaharap niya ang mga Muslim leaders na handang sumuporta sa kanya, ang unang tanong ay “tatakbo ka ba o hindi?”

 “Naghahanap kami ng presidentiable na matapang sa pagtatanggol ng karapatan ng maliliit, marunong ma­takot sa Diyos, at di marunong pumatay,” said Paul Khadaffy, the group’s spokesperson.

Sa tingin ko’y sawa na ang mga kababayan nating Muslim sa pagsuporta sa mga tradisyunal na politiko na sandaling maluklok ay nakalilimot na sa agendang inila-tag kaya susuporta sila ngayon kay Bro. Eddie. Anila, gaano man kabuti ang mga nasa ibaba pero ang pina-ka-leader ay hindi mabuti, walang kabutihang mapapala ang bansa.

 Wika ng isang Muslim leader na si Ustaj Yusof, Kay Bro. Eddie, “Kami ang naglalagay ng gulong sa sasakyan at pag ito ay umandar na, sinasagasaan na lang kami.” Ang tinutukoy ni Ystadz ay ang mga politikong sinuporta­han nila noon na hindi nakatu­ pad sa mga ipinangako sa kanila.

Dalawang oras ang naging palitang-kuro nina Bro. Eddie at ng mga Muslim leaders. Nilinaw niya na ang advocacy ng kanyang pinamumunuang grupo ay ang pagkilala sa pantay-pantay na karapatan ng bawat Pilipino. Ito ay alinsu­ nod sa road­map ng Bagong Pilipinas, Ba­gong Pilipino Movement na kinapapalooban ng empower­ment, emancipation and edu­cation ng bawat Pili­pino pag­ papasigla ng ekonomiya, pag-aangat sa living standard ng taumbayan, pagpuksa sa ma­samang pamamahala at pag­tataguyod ng kaayusan at ka­ payapaan sa buong Pilipinas.

Bukod kina Ustaj Yusof and Paul Khadaffy, ang ibang Mus­lims Para sa Diyos at Bayan officers na dumalo ay sina Prof. Haji Sulaiman Sadik, Papa Naga, Ustaj Minor Natangco, at Muslim Art designer, Robert. 

Iisa ang sigaw nila: Tu­ makbo ka Bro. Eddie upang magkaroon na ng malinis na leadership sa ating bansa.” 

BAGONG PILIPINAS

BAGONG PILIPINO MOVEMENT

BRO

DALAWANG

DIYOS

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with