Dapat bang buwagin ang isinabatas na minimum wage? Ito ang usaping tinalakay sa prestihiyosong “Square-Off” the CVC Law Debates ni Bb. Twink Macaraig sa ANC Channel kamakailan.
Kung tutuusin, ang pagsasabatas ng isang mini- mum wage ay isang panghimasok ng pamahalaan sa pakikipagrelasyon ng mga negosyo at ng manggagawa. May kasaysayan ang Pilipinas, kabit sa mahabang kasaysayan ng Amerika, ng “laissez-faire” doctrine (let live alone or leave us be) – na mas magandang limita-han ang regulasyon ng gobyerno sa malayang pangangalakal. Subalit mas nauna pa ang Pilipinas sa Ame-rika na baguhin ang pilosopiyang ito.
Idineklara na katungkulan ng pamahalaan na pasu-kin nga ang labor contracts. Ayon sa Mataas na Huku man noon pang 1924, hindi patas ang sitwasyon – lugi ang maliit na manggagawa. Kung may karapatan man ang negosyo na kumita, hindi naman maari na ito’y makamtan sa pamamagitan ng pag-abuso sa iba. Kaya isinabatas ang minimum wage.
Ngayong may recession at maraming maliliit na negosyo ang nahihirapan, naging usap-usapan kung makakatulong kaya ang pagbuwag sa minimum wage. Ang argumento ay kung payagan ang mga negosyante na magpasahod ng mas mababa, ito’y makakatulong sa pagbawas ng kanilang overhead expense at makakabawas sa presyo para mas maraming tumangkilik. Hindi lamang ito ang hinaing ng mga kontra minimum wage – ang ilan pa: May nagsasabing mapupunta lang ang trabaho sa mga dayu hang manggagawa, ang tinatawag na “outsourcing”; o di kaya ibi- gay na lamang sa makina upang makatipid.
Kung may punto man ang mga negosyante, hindi pa rin matatalikuran ang katotohanan na sa kasaysayan, kapag ang negosyante ay binayaan na walang regulasyon – ito ay talagang manlalamang. Lalo na sa ganitong recession kung saan mahirap ang trabaho at ang tao’y kapit sa patalim.
Ang kagustuhan ng taumbayan ay hindi maikakaila. Inaprubahan ang probisyon sa Saligang Batas na gumagarantiya na dapat na aktibong proteksiyunan ng pamahalaan ang karapatan ng manggagawa.
Mahalaga man na itaguyod ang sistema ng malayang mangangalakal, higit na mahalaga na bigyang kalinga ng pamahalaan ang maliliit nating kababayan na walang kalaban-laban.