^

PSN Opinyon

Buhay ng Pinoys sa US bumubuti na

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

Bumubuti na ang pamumuhay ng mga Pinoy dito sa Amerika. Napapansin ko at marami rin ang nagbabalita sa akin na may mga trabaho na muli ang mga nawalan noon. Nagiging normal na naman ang kanilang kabu­hayan kaya palagay ko magkakatipun-tipon na naman ang mga Pinoy dito.

Ang magandang balitang ito ay pahiwatig na bumubuti na ang ekonomiya ng Amerika. Kung natatandaan, n’yo nang umupo si President Barack Obama, inilunsad niya ang mga iba’t ibang programa para makahulagpos ang US sa recession at pagbagsak ng ekonomiya.

Napansin ko na maganda nga ang naging epekto ng mga programa ni Obama. Pinababa niya ang mortgage at interest rates lalo sa pangungutang. Naglunsad din si Obama ng iba’t ibang paraan upang matulungan at maisalba ang mga banko, insurance companies at mga malalaking kompanya. Kung hindi natulungan ng gobyerno ang mga nabanggit, siguradong babagsak at marami ang maghihirap sa Amerika.

Isa sa mga natulungan at naisalba ng gobyerno ng Amerika ay ang auto industry. Milyong tao ang nagtatra­baho sa industriyang ito at nakikinabang. Kung hindi ito binigyan ng pansin at sinagip ng gobyerno, mahihirapan ang pag-angat ng Amerika.

Ang muling pagbangon ng Amerika ay malaking kapa­kinabangan sa mga nasa Pilipinas na tumatanggap ng tulong-pinansiyal sa kanilang mga kamag-anak na narito. Maraming hindi nakapagpadala ng pera sa Pilipinas dahil nawalan ng hanapbuhay. Sana, tuluyan nang gumanda ang kalagayan ng mga Pinoy sa Amerika.


AMERIKA

BUMUBUTI

ISA

MARAMING

MILYONG

OBAMA

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with