^

PSN Opinyon

Dakilang kapistahan ng Pag-aakyat

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ay 43rd world communications day “Humayo kayo sa sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang mabuting balita.” Mk 16:15. Ito ang dakilang tagubilin ni Jesus sa lahat ng mga sumampalataya sa kanya.     kaya’t mula noon hanggang nayon ay lumaganap na ang kan­yang pangangaral sa buong daigdig, ang Kris­ti­yanismo, maliban sa lupang sinilangan ni Jesus, ang Israel. At ngayon ay masasabi natin na ang Kristiyanismo ng bansang Pilipinas ang nagpapatuloy sa pagtupad ng tagubilin ni Jesus: “Humayo kayo”. Ating banghayin ang lahat ng mga nangangaral ng Mabuting Balita sa buong daigdig at maliwanag sa lahat na pawang kapwa Pilipino natin ang nakararami at sa buong Kristiyanismo, nangu­nguna pa rin ang mga Katoliko.

Maging sa Canada at Amerika ay pawang mga Kato­likong pari at madre na relihiyoso ang laganap na. Maging sa mga religious group o iba’t ibang organisasyong Katoliko ay mga Pilipino pa rin ang nangunguna. Kahima’t tayo ay niyuyurakan ang pagkatao na pawang alila ng ibang bansa ay tayo rin ang nagdadala sa kanila ng Mabuting Balita. Galugarin natin ang mga malalaking barko sa buong daigdig at pawang mga Pilipino lamang ang merong dala-dalang dasalan, rosaryo, bibliya at mga babasahin Kristiyano. Kaya’t sa mga sinulat ni Lukas na ebanghelyo ni Jesus at ang mga Gawa ng mga Apostol ay masasabi ko na sa ating mga Pilipino ito ipinahayag ng sabihin niya Teofilo at mahal na Teofilo ibig sabihin tayong mga Pilipino ang mga tunay na “Theus philos” mapagmahal sa diyos

Sinabi ni Hesus: “Huwag muna kayong aalis sa Je-rusalem. Hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama         na sinabi ko na sa inyo… di magtatagal ay bibinyagan kayo ng Espiritu Santo”. Ka­ya’t sa ating lahat ay pawang Espiritu Santo ang gumaga­bay at nagpapaliwanag. At sa ka­bila ng mga pagsubok sa ating mga kababayan na naghihirap sa kanilang mga gawain sa ibang bansa ay ating ipanalangin na hu­wag silang nawalan ng pag-asa. Maging si Pablo ay nagpa­pa-ala-ala sa atin: ”Mga kapatid. Pagkalooban niya kayo ng Es­piritu ng karu­nungan at ng tunay na pag­kakilala sa kanya”.

Ngayon ding araw na ito ay ating ipinagdiriwang     ang mga bunga ng habilin ni Je­sus, ang 43rd world communications day kaya ta­yong lahat na media peo­­ple: Diyaryo, mga ba­ba­sahin, radyo at mga sa­ngay ng telebisyon ay dapat   mag­pasalamat sa Pangi­noon na gumagabay sa atin. At higit sa lahat ay ating ipanalangin na maging lig­tas ang lahat sa panganib lalung-lalo sa ating bansa na hindi ma­tanggap ang katoto­hanan na ipinaha­ha­yag ko laban sa katiwalian.

ATING

ESPIRITU SANTO

HUMAYO

JE

LAHAT

MABUTING BALITA

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with