MARAMI pa ang hindi nakaaalam na ang gout ay isang uri ng arthritis. Karaniwang nagkakaroon ng gout ay mga kalalakihang nasa edad 40. Nagkakaroon ng gout kapag sobra-sobra na ang uric acid sa dugo at nagbuild-up sa mga joints o kasu-kasuan. Sobrang sakit ng mga joint at ganoon din ang hinlalaki ng mga paa. Namumula at namamaga ang hinlalaki. Kadalasan din na nilalagnat ang may gout.
Ang pagkakaroon ng gout ay bigla-bigla na lamang kung sumalakay at nagaganap pa sa gabi. Mayroong nawawala rin agad ang pananakit ng kasu-kasuan subalit meron ding inaabot ng ilang araw bago mawala. Maaaring bumalik ang gout at mas matindi pa kaysa rati. Maliban sa hinlalaki, ang iba pang bahagi ng katawan na inaatake ng gout ay ang balikat, siko, daliri, baywang at iba pang organs ng katawan.
Kadalasang ibinibigay na gamot sa may gout ay Colchicine. Kinokontrol ng gamot na ito ang pamamaga gayunman, maaaring magka-diarrhea ang pasyante at magkaroon pa ng malubhang side effects. Sa kasalukuyan, ibinibigay na rin ang nonsteroidal anti-inflammatory drugs kasama ang Allopurinol para ma-blocks ang production ng uric acid sa katawan.
Paano malalabanan ang gout?
• Magbawas ng timbang at kontrolin ang pag-inom ng alak. Ang pagiging mabigat at pag-inom ng alak ay nagbi-buildup ng uric acid.
• Bawasan ang mga pagkaing mataas sa “purine”. Ang mga pagkaing may “purine” ay atay, kidneys, utak, sardines, dried beans, asparagus, cauliflower, mushrooms at spinach.
• Uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig araw-araw. Tinutunaw ng tubig ang uric acids at natutulungan ang kidney na alisin ito.
• Laging i-check ang inyong gamot sa blood pressure. May pagkakataon na ang gamot ninyo sa high blood pres-sure ay nagiging dahilan din ng gout dahil sa thiazide diuretics.