Bagansya

Pasado na sa Senado ang panukalang batas na tatang­ gal sa matagal nang kahihiyan ng ating Penal Code, ang krimen ng bagansya o “vagrancy”. Ang elemento ng mga krimen na karaniwang pinarurusahan ay ang pananakit o panghamak sa kapwa sa pamamagitan ng mga gawaing pinagpasyahan ng Kongreso na mali at dapat ipagbawal. May mga malinaw na mali tulad ng pagpatay o pagnakaw o pag-rape. Yung iba naman ay dinesisyunang mali upang protektahan ang lipunan sa mga gawaing nakapeper-wisyo sa pangangalakal – tulad ng pagbawal sa bouncing check.

Sa kaso ng bagansya, ginawang krimen ang pagiging palaboy. Siyempre, ang karaniwang sakote dito ay ang    mga maralita. Sila ang pinakamadaling puntiryahin dahil kara­miha’y wala namang trabaho o paraang kumita.

Ang krimeng ito ay unang pinanukala ng mga Ame­­rikano noong 1932 bilang mekanismo upang hindi iwan ng mga Pilipino ang kanilang trabaho sa mga mala­king pabrika ng negosyo. Noong martial law years, doku­men­tado ang dalas ng pag-abuso nito upang supilin ang pagkilos ng mga kon-tra-pamahalaan. Kung hindi bata, kababaihan ang la-ging biktima. Sa panahon ngayon na maraming nag­hihirap, mukhang namemeligro ang national pastime ng Pili-pino na mag-“uzi” sa mga kaga­-na­pan sa paligid.

Saan man tingnan, hindi masasabing pananakit o pang­hamak sa kapwa ang magpalaboy laboy sa lan­sangan. Wala namang napeperhwisyo ang isang taong nana­nahimik. Alin ang higit na matimbang — ang interes ng pamahalaang panatilihing malinis at magandang ting-nan ang tanawin o ang karapatan ng mamamayan na    mala-yang makagalaw sa lipunang tinitirahan?

Ang mga ganitong batas na hinubog sa panahong nakalipas ay dapat ding ibaon na sa ala-ala ng nakaraan. Wala itong lugar sa isang lipunang kumikilala sa mga malayang karapatan ng tao. Pabigat pa nga ito sa mga hukuman na nababaon sa walang kuwentang kaso     sa halip na makatutok sa paglitis ng mga mas ma­sahol na kasalanan.

Halos lahat ng Kongre- so matapos ang martial law ang sumubok na bu­ra-hin na ang bagansya sa Kodigo Penal. Ang pag-sang-ayon na lamang ng Maba­bang Kapulungan ang nalalabing balakid sa pag­kamit nitong matagal nang mithiin.

Hala, tapusin na natin!


Show comments